Home Headlines SIMULA NA NG PAG-UNLAD NG PAMUMUHAY NG TRIBONG AYTA SA CLARK

SIMULA NA NG PAG-UNLAD NG PAMUMUHAY NG TRIBONG AYTA SA CLARK

350
0
SHARE
CDC, NCIP at Tribong Ayta, Mabalacat City LGU, at Bamban LGU Technical Working Group. (CDC Photo)

Naganap na ang matagal nang inaayos na kasunduan ng mga kapatid nating Katutubong Ayta sa Clark at ng pamahalaan sa pamamagitan ng Clark Development Corporation (CDC) at ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

Pagkatapos ng mahigit na 16 taon, sa isang makasaysayang araw na ito, nilagdaan ang mga patakaran at alituntunin (Implementing Rules and Regulations) para sa pagpapatupad ng kasunduan para sa sama-samang pamamahala (Joint Management Agreement) kasama ang plano ng paggamit ng lupa (Land Use Plan) na bahagi ng plano na bumabalangkas sa lahat ng prayoridad sa pagpapaunlad at pangangalaga (Ancestral Domain Sustainable Development and Protection Plan) ng lupaing ninuno (Ancestral Domain) sa pagitan ng pamahalaan at ng tribong Ayta.

PANUNUMPA SA NOTARYO. Ang Clark Development Corporation (CDC), sa pangunguna ni Atty. Agnes VST Devanadera, Pangulo at Punong Tagapagpaganap (CEO) (kanan), kasama si Oscar Rivera, Tagapangulo ng Pinanlupuyang Mamuun CADT 025-A (IPS) (ikalawa mula sa kanan), Atty. Atanacio Addog, Regional Director, National Commission on Indigenous Peoples Regional Office III (NCIP RO 3) (ikalawa sa kaliwa) at Rommel Narciso, Assistant Vice President for External Affairs (kaliwang bahagi) matapos malagdaan ang mga patakaran at alituntunin (Implementing Rules and Regulations) para sa pagpapatupad ng kasunduan para sa sama-samang pamamahala (Joint Management Agreement).

Ang pangunahing layunin ng sama-samang pamamahala (JMA) ay upang kilalanin at itaguyod ang karapatan ng mga miyembro ng tribong Ayta tungo sa maunlad na pamumuhay ayon sa Batas Republika bilang 8371 o ang tinaguriang batas para sa karapatan ng mga katutubo (Indigenous Peoples Rights Act of 1997).

Lumagda sina Atty. Agnes VST Devanadera, CDC President and CEO, Oscar Rivera, Pinanlupuyan Mamuun ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) 025-A Indigenous Peoples Structure (IPS), at Atty. Atanasio Addog, Regional Director, National Commission on Indigenous Peoples Regional Office III.

Ang paglagda ay sinaksihan ng mga kinatawan ng pamahalaang lungsod ng Mabalacat, Pampanga, at munisipalidad ng Bamban, Tarlac kasama ang mga miyembro ng tribong Ayta, at pamunuan ng CDC.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here