Simpleng belen na wala pang batang Hesus

    468
    0
    SHARE

    ABUCAY, Bataan – Isang maliit ngunit magandang belen ang kapansin-pansin sa tabi ng pinakamatandang simbahan sa Bataan sapagka’t ito’y walang replika ng batang Hesus at maging ng mga pantas na karaniwan sa iba.

    Bakante ang malaking duyan na sumisimbulo ng sabsaban kung saan sinasabing isinilang si Hesus. Sinabi ng mga manggagawa na magkakaroon ng batang Hesus at mga pantas ang belen sa gabi ng Disyembre 24 kung kailan pinaniniwalaang isinilang ang Mesyas.

    Inaapura nila ang paghahanda nito sa pagsisimula ng “Simbang Gabi”. Gawa sa kugon, kawayan, mga siit ng kahoy at recycled materials ang belen na may malamlam na liwanag. Halos katabi ito ng bungad ng Saint Dominic Church sa Abucay, Bataan na batay sa rekord ay 425 taon na.

    Ang pinakamatandang simbahan sa Bataan at isa sa pinakamatagal ng simbahan sa Pilipinas ay nababalutan ng
    iba’t-ibang kulay ng Christmas lights at napapalamutian ng mga maliliit na parol.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here