Sikreto ng pamilya Gutierrez ipakikita sa reality show

    457
    0
    SHARE

    HUMARAP sa presscon ang pamilya Gutierrez, sa pangunguna ng mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, para ianunsyo ang reality show na gagawin ng buong pamilya kasama ang tatlong artistang anak na sina Ruffa, Raymond at Richard.

    Ang nasabing family reality show ay pinamagatang It Takes Gutz to be a Gutierrez at ipu-produce ng TV 100 ng One Media Group, Royal Era Entertainment at Inside Showbiz. Meaning, kasama rin ang buong pamilya bilang producer.

    Ayon kay Mike Carandang, head ng TV 100, ipakikita sa show kung ano ang ginagawa ng buong pamilya sa araw-araw nang walang kaplastikan pati na ang mga conversation nila.

    “They will allow the cameras to follow them, witness everything that happens at napa-oo ko po sila na no-holds-barred. Be honest kung sino sila, kung hindi maganda, ipakikita rin, pati maganda,” pahayag ni Mike, na siya ring magdidirek ng show.

    Ayon kay Annabelle, dito ay makikita kung anong klase silang pamilya talaga at ’yung totoo lang daw talaga ang ipakikita nila. Ultimo nga raw hitsura niya ’pag bagong gising ay ipakikita niya.

    Bukod sa tatlong artistang anak, kasama rin ang iba pang anak na sina Rocky, Elvis, at Ritchie Paul.

    Siyempre, kasama rin dito ang dalawang apo nila na sina Lorin and Venice, mga anak ni Ruffa. Natanong nga kung dalawang apo lang ba ang kasama at nagkatawanan dahil everybody knows na may tsismis ngang may anak na si Richard kay Sarah Lahbati.

    Sagot naman ni Annabelle, dapat ay abangan ang show dahil doon malalaman kung ilan ba talaga ang apo niya. Natanong din kung kasama ba ang lovelife nila sa ipakikita at say ni Chard, since alam naman ng lahat na girlfriend niya si Sarah, she will also be featured sa show.

    Ayon pa kay Chard, na normally ay napaka-private na tao, dito sa show, willing siyang mag-share ng pagkatao at excited na nga rin siya dahil baka pati sila ay ma-surprise sa mga mangyayari since talagang free-flowing ito.

    Dahil sa konsepto, na-bring-up tuloy ang Barretto family dahil komento ng isang kasamahan sa panulat, pareho ang naturang dalawang pamilya na talagang kontrobersyal at napakakulay ng buhay.

    Sagot naman agad ni Annabelle, “Mas worse naman sila sa amin,” kaya natawa ang lahat. “In fairness, hindi pa ako inaaway ng mga anak ko ng ganyan, nagnakaw ng pera, ganyan, at wala naman akong ninakaw na pera,” paliwanag niya.

    Patuloy pa ni Annabelle, na-shock siya sa mga nababasa niyang away ng pamilya Barretto dahil aniya, isa rin siyang ina. “At least, na-appreciate ko naman ang mga anak ko na kahit binibigyan nila ako ng datung, hindi nila ako sinasabihan na ‘oy, binibigyan kita ng datung,’ walang mga ganyang eksena.

    “Mag-away man kami, hindi serious. Tapos, bago matapos ang araw, bati na kami. Pinakamatagal na ’ýung two days,” say pa ni Tita A. Minsan daw, nagiging personal din ang away nila pero hindi umaabot sa nagsisiraan sila.

    Pero bawi agad ni Tita A., “Nangyari na nga rin pala before, siniraan ko si Ruffa. Pero hindi naman ganu’n kagrabe. Si Ruffa naman, umiyak lang, pero wala naman siyang sinasabing bad against me,” say pa ng Gutierrez matriarch.

    Ang opinion naman ni Ruffa, oo nga’t puwede silang magkapareho ng Barretto family in terms of being controversial, pero iba ang pamilya nila. “Each family naman is unique and you know, ayoko namang may masabi ako sa pamilya nila kasi kaibigan ko rin ’ýung iba sa family nila, so, I wanna mind naman my own business when it comes to that.

    “Pero ’yung sa amin naman ni Mommy, usually, nagbabati naman kami and usually, inaaway niya ako because of my lovelife, pero hindi naman umaabot sa ganu’n. “At the end of the day, nagmamahalan ang pamilya namin at nagtutulungan. And you can see that naman. We always support and love one another in the end,” say ni Ruffa.

    Anyway, sikreto pa kung saan network lalabas ang show but it will be a two-part special at sa 2014 daw mapapanood. Para sa naturang show, magbibiyahe sila sa Asia nang magkakasama at ’ýung mga araw na ’ýun na magkakasama sila ang ipakikita.  Bukod dito marami raw rebelasyon sa show, kaya abangan!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here