SIKAT SA INTERNET
    Sipag, tiyaga puhunan ng elevator attendant

    419
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY — Minsan pang napatunayan ang halaga ng sipag at tiyaga sa pag-asenso ng isang karaniwang empleyado, sa pagkakataong ito ng elevator attendant ng SM City Olongapo.

    Nagsimula bilang day-off reliever sa comfort room isang beses isang lingo, hanggang sa dumating ang kanyang pagtatrabaho sa dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo na tumagal sa loob ng dalawang buwan, at noong Setyembre 15, 2012 ay ginawa siyang break time reliever ng CR at elevator attendant hanggang sa maging ganap na elevator attendant sa SM City Olongapo.

    Ito ang pinagdaanan ni Cheridel Alejandrino, 27, tubong Siniluan, Laguna at pansamantalang nanunuluyan sa Acacia St., Barangay Gordon Heights. Sa kanyang pagpupunyagi ay inspirasyon ang anak na dalawang taon  ang gulang.

    Sa pamamagitan ng kanyang ginagawang pag-entertain sa mga customer ay napapasaya din niya ang kanyang sarili dahil nakikita nito sa mga customer na tuwang-tuwa sa serbisyong kanyang ginagawa.

    Ayon pa kay Alejandrino, malaki ang pasasalamat nito sa mga customer dahil sa kakayahan nito para magampanan ang trabaho at kapag napapatawa niya ang mga customer ay lalo itong ginaganahan magtrabaho.

    Sinabi pa ni Alejandrino na mula nang pagka bata ay mahilig na siyang mag-entertain ng mga tao.

    At ito ay nagbunga na nga nang maging viral sa youtube ang kanyang araw-araw ba gawi bilang elevator attendant na ni-like ng libo-libong netizens.

    Dugtong pa ni Alejandrino na minsan pang napatunayan sa kanyang sarili na ang mga customer ng SM City Olongapo ang mga unang naniwala na kaya niyang gampanan ang trabaho.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here