MAY kinalaman ang bisyo kung bakit nalalagay ang isang talent manager sa matinding problemang pampinansyal. Diumano, laman ng casino ang naturang manager.
Hindi thousands, kundi millions ang isyu ng manager sa pera. Kailangan nitong ilihis ang usapin at ang sisi sa inosenteng mga tao.
Kung tutuusin, malakas kumita ang manager dahil sa mga alaga niya na sikat at maraming projects. Pero kahit ano pang dami ng perang dumarating sa kanya, wala itong pinatutunguhan dahil nga sa bisyong pagka-casino.
Marami nang malungkot na kuwento kung paanong sinira ng sugal/casino ang buhay ng showbiz personalities. At kung hindi ito titigilan ng talent manager, hindi malayong matulad siya sa iba.
Oo nga’t may iilan na sa husay maglaro sa casino’y nakapagpatayo ng bahay at talaga namang kinakasihan ng suwerte. Pero kapag gumon ka na at inaabot pa ng kamalasan, ’yun na ang simula ng iyong pagbagsak.