Sid Lucero maraming dalang kunsumisyon sa taping, tsinugi sa teleserye

    387
    0
    SHARE

    Dami na ng blind items na lumabas tungkol sa isang magaling na actor na tsinugi sa kasalukuyang teleserye na siya sana ang bida.

    According to the blind items, sa sobrang kunsumisyong dulot ng actor sa staff, ayun, tinanggal at ‘pinatay’ na lang ang role sa naturang soap.

    Sabi pa, lagi daw inaantok ang actor at maraming beses na raw siyang nagdulot ng probelema sa taping.

    Nang hindi na mabata na nung misnan, daw sa simbahan sila nag-shooting, nakatulog si actor sa isang upuan sa simbahan, ayaw gumising, at nagalit pa ng mapilit na magtrabaho na.

    Well, walang iba, sigurado na, si Sid Lucero ang tinutukoy na problemang actor at sa teleseryeng Hindi Ka Na Mag-iisa siya tinanggal. Dapat siya ang leadingman ni Jennylyn Mercado pero ayun nga dami raw niyang dulot na problema sa set, tsinugi na lang siya.

    Nauna dito, dun sa isa pang teleserye, nagbigay din daw si Sid ng katakut-takot na problema. Sa isang episode, nakatulog daw ito at hindi nila magising. Umabot pa sa puntong kailangang ipatawag ang nanay niyang si Bing Pimentel, pero wala, naging problema pa rin.

    O well, kung true na si Sid nga, sayang naman ang actor na ito, magaling siya, na sana kung gusto niyang magtagal sa limelight, ayusin niya’ng mga problema niya.

    Ano ba yun, sa drugs kaya?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here