Home Headlines Si Vico Sotto ang dapat tularan ng mga alkalde ng bayan

Si Vico Sotto ang dapat tularan ng mga alkalde ng bayan

273
0
SHARE

Kung mayrong alkalde na dapat tularan
sa talino’t galing bilang lingkod-bayan
madaling hanapin at matatagpuan
sa syudad ng Pasig sa dakong Silangan

Ang mayor ng Pasig na si Vico Sotto
napakahusay ng kanyang liderato
ang mga POGO HUB ipinasarado
pati mga E-GAMES at saka E-BINGO

Hindi mahilig sa mga publisidad
Di tulad ng iba na puro pasikat
walang ibang bagay itong hinahangad
kung hindi sa tao’y maglingkod tapat

Hindi mababasa ang kanyang pangalan
sa mga proyekto nitong binubuksan
di rin makikita ang kanyang larawan
na bumabandera sa mga lansangan

Di siya kagaya ng ibang pulitiko
na naka-live kapag may inaanunsiyo
na aktibidades o mga proyekto
mapanood lamang ng maraming tao

Ang iba naman ay pa TIKTOK-TIKTOK pa
kuntodo sayaw sa harap ng camera
ang ilan pa mandin may libreng pa-zumba
scholarship program at mga ayuda

Sa syudad ng Pasig pag may namatayan
ayon sa kwento na aking napakinggan
libre ang ataol at paglilibingan
lalo na sa mga pobreng mamamayan

Mayor Vico Sotto ay hindi nasangkot
sa katiwalian at pangungurakot
dahil sa taglay na kababaang loob
ay hindi inulan ng pambabatikos

Ang kanyang pagtulong ay bukal sa puso
seryoso at walang halong balatkayo
marunong tumupad sa mga pangako
sapagkat ayaw niyang mayrong nabibigo

Kung tulad ning Vico ang lahat ng mayor
sa gobyerno”y wala sanang mandarambong
wala sanang POGO at walang nalulong
sa E-Games, E- bingo at sa online sabong

Ang tulad ni Vico ay dapat tularan
upang umunlad ating inang bayan
dahil korapsiyon ang tunay na dahilan
sa paghihirap ng mga mamamayan

Ang napakahusay na pamamalakad
ang nagiging susi tungo sa pag-unlad
at kung ang korapsiyon naman ay talamak
ang sanhi ng isang bansang naghihirap

Panahon na upang tayo ay gumising
sa napakatagal na pagkakahimbing
piliin ang mga taong magigiting
na maglilingkod sa inang bayan natin

Si Vico Sotto ang isang halimbawa
na dapat maglingkod dito sa’ting bansa
di tulad ng ibang nagpapakasasa
sa kaban ng bayan nating minumutya

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here