Si Rossana Roces o ang amang si Jolo? Sino ang tunay na may karapatan kay Gab Revilla?

    454
    0
    SHARE

    Kumukulo na naman si Rosanna Roces ngayong mga panahong ito. Muli, nagkakainitan naman sila ng mga Revilla dahil kay Gabriel, yung anak ng kanyang daughter na si |Grace kay Jolo Revilla. Reportedly, pumayag si |Grace to let their son stay with the Revillas as the three-year old boy is suffering from primary complex and needs medical attention which they can effortlessly give. Anim na buwan ang itatagal ng gamutan kung kaya in-enroll pa ng mga Revilala ang bata sa isang kiddie school.

    Pero bigla ngang nagdesisyon si Osang na ibalik na’ng bata at ditto nagsimulang gusot. Kinausap na raw ng tatay ni Jolo si Senator Bong Revilla si Osang pero walang nangyari. Desidido talaga si Osang na ibalik sa kanila’ng bata. Nagbabanta pa si Osang na magdedemanda kung hindi nga maibabalik sa kanila ang apo.

    So, Senator Bong passed the decision-making to his son Jolo for this matter as he feels this should be a problem directly for the parents of the boy, not for the grandparents.

    You see, the law states that a child below seven years old should stay with the mother in case the parents separate.

    Alam kasi ni Osang na madali niyang mapasusunod sa kanyang kagustuhan si Grace.   

    "Naaawa ako sa anak ko at sa apo ko na nadadamay sa kaguluhang ito. Walang dapat pag-awayan at dapat pag-usapan nang maayos and eventually, ang magdedesisyon ay ang nanay at tatay ni Gab, hindi ang lolo at mga lola niya," wika ni Bong.

    Naikuwento rin niya na tinawagan niya si Rosanna last Wednesday at sinabing pag-usapan nila ni Jolo ang lahat at ’wag nang mag-away.

    "Kung anu-ano ang isusulat sa Facebook, ang bata ang naaapektuhan at sabi niya, iuwi n’yo rito ang bata. Pati si Lani (Mercado) idinadamay, kesyo tatakbo raw. Lumabas sa bibig niya na may lumapit sa kanyang pulitiko from Cavite para siraan kami.

    "Ang sa amin, ang dugo niya at dugo namin ay nagkasama na kaya hindi dapat mag-away. Mahal ni Jolo si Gab at ipaglalaban niya ang karapatan sa bata. Sana, hindi na umabot sa korte ang usaping ito dahil sabi ni Osang, magdedemanda si Grace. Matigas siya, malumanay akong nagpapaliwanag."

    Naiintindihan ni Bong si Rosanna dahil mahal na mahal niya ang apo, over-protective at ayaw nakikitang umiiyak ang bata.

    Sa posibilidad na i-adopt ng bagong ka-relasyon ni Grace si Gab, heto ang pahayag ni Bong:

    "Hindi siyempre papayag si Jolo. Parang napakasamang ama niya kung bibitawan ang responsibilidad sa anak niya. Ano naman ang magiging mukha ni Jolo bilang ama kung pumayag siyang i-adopt si Gab."    

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here