Si Freddie Aguilar ang original choice ng ABS-CBN para kumanta ng Bayan Ko sa burol ni Tita Cory

    339
    0
    SHARE
    From a very reliable source, nakaabot sa aming kaalaman na si Freddie Aguilar pala’ng original choice ng ABS-CBN para kumanta ng Bayan Ko sa burol ni Tita Cory. But like we all know, si Lea Salonga ang nag-deliver ng makabayang kanta na talaga namang nagbigay-kilabot sa publiko dahil sa perfect rendition nito.

    But would it be different kung si Freddie Aguilar ang kumanta nito dahil siya nga ang orignal choice. Freddie is a world-renown singer at talaga naming paborito ng mga Pinoy at banyaga at lagin na, kasama sa kanyang repertoire ang Bayan Ko dahil most requested ito ng taumbayan. Kahit walang malungkot na okasyon, laging nakapangangalisag-balahibo ang pagkanta ni Freddie, hindi lang ng Bayan Ko kundi lahat ng mga kantang pinasikat niya.

    “I just don’t know kung nasabihan si Freddie, basta’ng alam ko, nang sabihin ng ABS-CBN na si Freddie ang kanta, umayaw si Kris and instead, si Lea Salonga raw ang gusto niyang umawit nito.

    “Siyempre, sila ang pamilya, sila ang masusunod kaya nagpaunlak ang ABS-CBN,”sabi pa ng source namin.

    Nakontak naman daw nila agas si Lea Salonga who never got a cent sa kanyang pagkanta. “Okey agad siya, para kay Kris daw at para kay Tita Cory, para na rin siyang nag-perform para sa buong bayan.

    We believe na perfect choice naman si Lea. She delivered well at dahil sa pagkanta ng Bayan Ko, parang nadoble pa’ng perception ng mundo na talagang ubod siya ng galing.

    Hindi po ba?

    And speaking of Lea, ilang katoto ang nagsabing ayaw nila kay Lea. Mayabang daw itong kumanta na sobrang porma na akala mo siya na’ng pinakamagaling. Kung si Frededie, mas maganda pa,”sabi pa ng ilang nakausap namain.

    “Haughty ang estilo ni Lea Salonga, parang ang yabang-yabang niya,” pahuling komento pa ng isa sa mga umaayaw sa anak ni Ligaya Salonga.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here