Si Dingdong Dantes at ang iba pang mga bayani ng bagyong Ondoy

    492
    0
    SHARE
    Kahit sa maliit nilang bahagi na naipakita ng ilan nating artista ang kanilang concern para sa mga sinalanta ng bagyong Ondoy. A few of them braved the raging floods upang i-rescue ang mga taong malapit sa kanila.

    Gaya nga nina Jericho Rosales, Raymart Santiago, Richard Gutierrez, mag-asawang Judy Ann Santos at ilan pa.

    Sa ngayon kasi, mabibilang mo na lang sa daliri ang ilang artistang kahit na naninirahan sa glamorous nilang mundo  ay nag-astang tunay na tao at ipinakita ang kadakilaan ng kanilang mga puso. 

    Si Dingdong Dantes, lead star ng Stairway to Heaven and his YesPinoy staff and volunteers, in cooperation with Pasig NGOs, 3rd Technical Service Battalion Philippine Marines and Barangay Manggahan, Pasig, have set up “Tindig Pinoy Laban Kay Ondoy” relief center in the covered court beside the barangay hall of Manggahan, Pasig.

    Nag-donate din ang mga loyal fans at supporters ni Dingdong  (Solid Dingdong and DongYan) ng mga relief goods para makatulong sa mga biktima ng bagyong Ondoy.

    Dito naman sa amin sa Pampanga, na sinalanta rin ng bagyong Ondoy, although in a less scary scale, nagtayo ng Operation Tulong upang makatulong sa mga biktima ng bagyo.

    Called Operation tulong, ito ay pinagtutulungan ng CLTV 36, DZRW, Quota International,  Mayor Oca Rodriguez of the City Of San Fernando, Pampanga Chamber Of Commerce at Levi Laus Group of Companies .

    Nagsagawa ang CLTV 36 ng telethon voer5age at nangilak sa mga taong may ginintuang puso.

    Part of this will be given to victims outside Pampanga.  ‘nung kami ay sinalanta sa pagsabog ng Pinatubo, marami ang tumulong sa amin kaya panahon naman para kami naman ang dumamay sa ibang lugar,”sabi pa ng isa sa kanilang spokesperson. Kaya nga nagbigay sila ng malaking halaga sa mga sinalanta sa lalawigan ng Rizal.

    Nagbigay din sila ng cash donation sa maramgg pamilyang biktima ng mudslide sa San Juan Baño sa Arayat, Pampanga. Tig-sampung libo ang ibinigay nila sa mga sinalanta ng mudslide.

    Kasama nga po sa Operation Tulong si Madam Vilma Calaguas ang kasalukuyang presidente ng Quota International.

    Bukod sa Operation Tulong, Madam Calaguas, in her capacity, is organizing other fund campaigns para sa kanilang maraming projects.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here