Inabot ng 37 weeks at nine months ang Wowowin, pero hindi tuluyang mawawala sa ere ang show ni Willie, kaya “Hanggang sa muling pagkikita” ang sinabi at hindi “goodbye” at wala ring iyakang naganap.
Papalitan ang Wowowin ng Dear Uge ni Eugene Domingo simula February 14. Ang Wowowin ay magiging daily show na at mapapanood bago mag-24 Oras bago ang birthday ni Willie sa January 27. Malamang sa Jan. 25 na ito magsisimula.