Shop owner comatose matapos tambangan

    388
    0
    SHARE

    BALANGA CITY– Kasalukuyang comatose ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa kilalang tao o mga tao sa madilim na bahagi ng isang kalsada dito Martes ng gabi habang nakasakay sa motorsiklo kasama ang sampung taong gulang na anak na babae.

    Hindi pa nagigising sa Bataan General Hospital sa lungsod na ito si Reynald Guen Samson, 26, motorcycle shop owner ng barangay Panilao, Pilar, Bataan. May isang tama ng bala  sa ulo ang biktima.

    Ilang galos sa katawan ang tinamo ng batang babae matapos bumagsak ang motorsiklong dala ng biktima.

    Nakasakay ang bata sa unahan ng ama. Hindi na ito dinala sa ospital.

    Nakarekober ang mga pulis ng isang basyo mula sa baril na kalibre .45. Nagmarka ang tumagos na bala sa bakod ng isang bahay sa tabi ng kalsadang binagsakan ng biktima. Halos kalalampas pa lamang sa hump ng kalsada ang motorsiklo nang barilin ang biktima.

    Isang tricycle driver na nagdala kay Samson sa ospital ang nagsabing nakasalubong siya ng humahagibis na motorsiklo lulan ang dalawang lalaki. Subalit hindi naman niya matiyak na ang mga ito ang mga salarin.

    Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaril at pagkilala sa mga suspek.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here