Kahit off-beat ang role ni Sheryl , maraming televiewers ang nakakarelate sa kanya. Unti-unti nang nailalahad sa istorya ang tunay na pagkatao ni Josephine Carter.
Dahil extended, mahaba pang panahong kagigiliwan ang soap kung saan tampok din ang mga artistang beterano na tulad nina Bobby Andrews at Angelu de Leon. Natuwa ang program manager ng show na si Ms. Ali Dedicatoria sa magandang rating ng “Buena Familia” na laging mas mataas sa kalaban nito sa ABS-CBN.
Natutuwa rin ang viewers sa performance ng iba pang members ng main cast ng show na kinabibilangan ang love team nina Kylie Padilla at Martin de Rosario, gayundin sa team up nina Julie Ann San Jose at Jake Vargas.