Sharon Cuneta tinatawanan lang ang video scandal issue sa kanyang anak

    2605
    0
    SHARE
    Umpisa pa lang ng Hayden Kho videotape controversy dawit na’ng pangalan ni KC Concepcion. Na kesyo ganyan daw at ganito.

    Si KC daw ay isa sa mga babaeng nakunan diumano ng sex video with Hayden Kho.

    Kaya nga nang magkaroon ng pagkakataon ang movie press, kinausap nila si Sharon Cuneta sa isang shooting sked nito. 

    “Tawang-tawa ako doon. Wala talagang katotohanan yun,” sabi ni Sharon.

    Ano naman ang comment niya sa isyu na binayaran niya raw ang may hawak ng video para huwag nang lumabas ang sex video umano ni KC?

    “Ang dami ko nang binabayaran! Yung mga utang ko sa bangko!” biro ni Sharon.

    “Kayo naman, ako nga naisyu noon. Ang tanong ko, sexy ba? Tawa ako nang tawa. Bakit ko naman babayaran yun, e, di sana pinakulong ko na lang siya? Di ba naman? Of course not! Hindi ko kayang mag-lie. E, di sana umiiyak na ako ngayon. No, my God, kadiri, ano ba ‘yan! Maling-mali yun, that was so foul. You don’t do that to any woman.”

    Ano naman ang naging reaksiyon ng asawa niyang si Sen. Kiko Pangilinan about sa isyu na ito kay KC?

    “Alam mo bang we never talked about it?” sabi niya. “Wala, kasi it’s a non-issue as far as we’re concerned. Non-issue talaga. Oo nga, kahit kami ni Kiko, hindi talaga namin napag-usapan ‘yan. It only came out once, not between me and Kiko. Yung mga kasama ko, yung mga araw-araw na kasama ko, yung yaya ni Frankie ang nagkuwento sa akin. ‘Ma’am pati nga yung tsismis…’ Ay, naku! Nakakagulat, ano ba yun!”

    By the way, sigurado nang gagawin ni Sharon ang Mano Po 6. Posible bang makasama niya rin sa cast nito si KC?

    “Hindi, e. Meron din siyang nakakasa. You know, she has her co-managers, sina Sandra Chavez at Shirley Kuan. Siyempre, they have plans for her career din na iba. So, ‘tsaka na yung kaming dalawa na magkasama.

    “Ang alam ko, merong offer sa kanya na sila ng Papa niya, na okay sa akin. Hindi ko lang alam kung nakakasa na, kung nakapagpaalam na rin siya nang maayos sa daddy niya. Wala namang kaso sa amin yun. I think meron din siyang makakasamang parang yun ang ka-team up niya doon, bukod sa papa niya, kung matuloy yung movie. So, siguro yung amin, we’ll save the best na talagang for later na kami talaga yung magkasama,” pagsisiwalat ni Sharon.




    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here