Sharon Cuneta nakipagbati kay Willie Revillame pero kaaway naman si Vice Ganda?

    351
    0
    SHARE

    How nice naman to know na natapos na ang matagal na hidwaan, sa wakas nagbati na rin sina Sharon at Willie Revillame.

    The two crossed path sa birthday celebration ng common friend nilang si Aga Muhlach kaya talaga di maiwasang nag-usap na sila. Sabi nga ng ilang friends nila, ‘wag na raw balikan pa kung ano yung pinagsimulan ng away nila noon.

    Suffice to say na ayos na sila ngayon at sana, hindi na maulit pa ang mga pangyayari.

    At kung bati na sina Willie at Sharon, si Vice Ganda naman daw ang bagong kaintrigahan ni Sharon Cuneta.

    For reasons na hindi masyadong malinaw, medyo insecure daw kasi si Sharon kay Vice Ganda dahil nga sa mataas na rating ngayon ng show nga dating time slot ng Sharon Cuneta show.

    Lagi kasing napapasulat na nalaos si Sharon sa slot na yun, gayung buhay na buhay yan ngayon kay Vice.

    Kasi nga raw maraming komentong naririnig sa mga kayabangan ni Vice Ganda na nakarating kay Sharon na kesyo ganyan at ganito.

    In fairness to Vice, sinagot na niya yung intriga and said something like na hindi totoo yung away nila ni Sharon Cuneta.

    Natanong din namin kay Vice kung bakit tila nagkakaroon sila ng issue ngayon ni Megastar Sharon Cuneta.

    ’Yung time slot kasi ng Gandang Gabi Vice ay dating oras ng The Sharon Cuneta Show kaya parang nagkakaroon ngayon ng intriga sa pagitan ng dalawa.

    Pero matigas itong itinanggi ng comedian/TV host at pati na rin ni Kris Aquino na pilit sumasawsaw sa isyu ng dalawa.

    “Oy, wala, OA, ha,” sey ni Kris.

    Sey naman ni Vice, “oy, love ako ni Sharon.”

    Pinigilan na ni Kris si Vice na mag-comment pa tungkol sa issue dahil baka humaba lang daw at maging nega pa ang dating ng kaibigan.

    Natanong din namin si Vice Ganda tungkol sa tsikang tinanggihan daw niya ang gusto ng ABS-CBN na i-extend ang Gandang Gabi Vice niya at sey niya, pumayag na raw siya kaya ie-extend na nga.

    Aminado naman siyang noong una ay ayaw niya talaga dahil natatakot siya. “Masyado kasing mataas ang ratings, eh. Bago pa bumaba,” natatawa niyang sabi.

    Pero nag-e-enjoy daw siya sa show kaya pumayag na rin daw siyang ma-extend ito.

    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here