Umiyak si Sharon Cuneta sa presscon ng isa niyang endorsement noong isang araw. Ito ay dahil sobrang nasaktan daw siya sa ginawang pagri-reject sa kanya ni Aga Muhlach.
Lumalabas daw kasi siyang kaawa-awa na isa siyang megastar pero rejected naman ang beauty niya.
Medyo naging emosyonal din si Mega nang sabihin niyang walang-wala siyang pagkukulang kay Aga at sobrang pinahahalagahan niya ang friendship nilang dalawa’t nalulungkot siya na naging ganito ang ending nila.
“Walang-wala akong pagkukulang sa kanya, minahal ko siya, totoo ako sa kanya, hindi ko siya sino-showbiz. Walang-wala akong pagkukulang kung maaari, lahat ng hiling niya, ibigay ko, ganu’n akong kaibigan.
“So, siguro nami-miss ko lang siya, nami-miss ko lang na mabigyan ng kaunting importansya not because I’m feeling ‘Oy, she’s the megastar,’ no. Importansiya bilang kaibigan, ’yun lang ang hinihiling ko.
Ikinuwento rin ni Sharon na tinext niya si Aga at sinabihan naman siya ng aktor na magte-take lang at tatawagan siya pagkatapos ng take.
“The same day, he texted me, sabi niya, ‘I’m sorry, Ems, if I made you feel that way,’ in fairness naman, ‘I didn’t mean to make you feel that way,’ ganyan. And sabi niya, ‘I’ll call you.’
“He was taping with Ai-Ai. But before he could call me back, tinext ko siya na ‘Teng, siguro, huwag muna tayo mag-usap kasi ngongo pa ako sa kaiiyak, tapos nagtatrabaho ka.’ Then, sabi niya, ‘you’re right, basta we’ll talk soon.’ I never heard from him again after my write-up came out,” patuloy pa ng megastar.
“Mahal na mahal ko siya, wala akong balak na tapusin ang friendship na ito. Amin ’yung magkaibigan, eh. Hindi ko alam kung bakit kailangang maging issue, eh, kababae kong tao, kalalaki niyang tao.
“Eto ngayon ang masakit sa akin, inisa-isa ko, lalahatin ko na. ’Yung pinakamalaking artista sa pelikulang Pilipino, magmula kay FPJ, si Daboy, isa-isahin ’yan, sina Cesar, umabot na tayo kay Gabby.
“‘Yung akin lang, ganito, inisa-isa ko na ang lahat ng leading men ko, isali n’yo na ang lahat ng presidente sa Pilipinas, magmula kay Marcos, walang nang-insulto sa akin nang ganito.
“Hindi ako nakaramdam ng ganitong sakit, kahit publicly, nagamit ’yung word na reject, Diyos ko, nire-reject ba ako?” sabi ni Sharon, teary-eyed.
Sa huli, may mensahe siya kay Aga.
“Alam mo, Teng, hindi ako magtatampo kung hindi kita mahal. Kaibigan kita, hindi ako magtatampo kung hindi kita mahal at hindi ka importante sa akin, hindi rin ako hihingi ng tawad kung wala akong pakialam o respeto sa ’yo. So, paano, Teng, ganito na lang tayo?
“Parang, Diyos ko, magsasagutan tayo sa kolum? Usually, hindi talaga nagsasalita si Aga, pero kasi, ’yung manager ko kasi, walang kolum. Unfair, eh. Baka naman puwedeng mag-usap kami.”
Ayon pa kay Sharon, lambing lang naman ang katapat ng tampo niya at kung ’yung iba raw na leading men niya ’yon, tulad ni Robin Padilla, baka hinalikan pa siya at inamu-amo.
“Lambing ang katapat ’pag nagtampo ako sa kahit na sinong leading man, hindi issue. Hindi column article.”
In the end, Sharon really hopes daw na maayos ang lahat sa pagitan nila ni Aga.