Matagal na ang huling comedy film na nagawa ni Megastar Sharon Cuneta kaya naman masayang-masaya siya dahil tinangkilik ng mga tao ang muli niyang pagsabak sa comedy sa pelikulang BFF (Best Friends Forever) with Ai-Ai delas Alas, under Star Cinema.
Napuno nga ng tawanan at halakhakan ang buong Cinema 10 ng SM Megamall during BFF’s very successful premiere night last Tuesday, May 12. Pinalakpakan din ang dramatic moments nina Sharon at Ai-Ai sa movie.
Very happy nga si Sharon sa positive reaction ng mga tao, lalo na nga’t present din sa premiere night ang asawa niyang si Sen. Kiko Pangilinan; at ang anak niyang si KC Concepcion with Piolo Pascual as her date. Malakas din sa takilya ang first day of showing ng BFF kahapon, May 13, dahil reportedly ito ay kumita agad ng P16 million.
“I’m happy dahil nagbunga na yung pinaghirapan namin. Working in this film is really great. Also, I was thrown in the company of already great comedians. So, nagtatanong talaga ako, ‘Tama ba itong ginagawa ko?’ Ayokong maging OA [overacting]. So, enjoy na enjoy, parang naglalaro lang kami,” bulalas ni Sharon.
Ano ang feeling niya sa sobrang tilian ng mga tao sa loob ng sinehan?
“Natutuwa ako,” sagot ni Sharon. “Sabi ko nga kina Ai, ‘Naku, pasensya na mga Sharonian ‘yan, e.’ ‘Mega, ano ka ba? Hindi naman,’ sabi niya.”
Ano ang masasabi niya sa magandang chemistry nila ni Ai-Ai on screen?
“Natutuwa ako sa friendship namin ni Ai sa tunay na buhay, kitang-kita sa screen. Pinag-uusapan nga namin na, ‘Yes, meron tayong chemistry on screen, pero iba rin yung sa totoong buhay close tayo, yung meron talagang love, mas enjoy.’ Lalo yung sa bandang huli dahil talagang nag-bonding na kami. Natural lang talaga sa amin yung tawa. At saka maganda kay Ai, generous siya sa pagtulong sa akin sa comedy. E, lalo na hindi naman ako nakilala as komedyante. Parang hindi sila yung mang-aagaw ng eksena. Sila yung professional talaga, yung magaling. Kasi reyna na siya, e. She’s very generous, na-appreciate ko yun.”
Sa BFF naging mag-best friend ang characters na ginampanan nina Sharon at Ai-Ai, not knowing na isang lalaki (John Estrada) lang pala ang iniibig nila, at dun na nagsimula ang conflict. Pero in the end ay nagkaayos din ang mag-BFF. Kung sa kanya kaya mangyari yun sa totoong buhay, mapapatawad niya ba ang kabit ng kanyang asawa?
“Siguro depende siguro sa relationship mo with the person. Kasi dito, naging close yung characters namin ni Ai. So, nung malaman na namin… Di ba, yung iyak ko, nung mabuko… Dahil pareho mong mahal, ganun. Depende sa sitwasyon. Pero sa totoong buhay, kung nabuko ko yung asawa ko, baka yung girl, wala ng ulo ngayon! Nakulong na ako!” natatawang biro ni Sharon.
Pangalawang pelikula na niya ito with John Estrada. Una nga ay sa hit drama movie na Caregiver. Kumusta naman ang pagsasama nila rito sa BFF?
“It’s such a joy to work with John. Actually, he is on the list of my Top 3 leading men. Alam mo, close kami ni John kaya nabibiro namin ang isa’t isa. Pag kasama ko siya, pinaka-comfortable ako, yung nandun yung respeto niya sa akin, pag-aalaga, paglalambing niya.
“Minsan pinagtatawanan ko yung sarili ko, sobrang laki ko, ‘no? Hindi siya plastic. May encouragement, yung ganun. Ina-appreciate ko yung respeto niya sa akin. At saka magaling na artista. Masarap kabatuhan,” saad ng Megastar.
Ikinagulat at ikinahiyaw ng mga taong nanood sa premiere night ang special guest appearance ni Gabby Concepcion sa last part ng movie, kung saan na-meet niya sina Sharon at Ai-Ai. Ayon kay Sharon, sinabi naman daw niya sa asawa niya na si Sen. Kiko Pangilinan ang tungkol sa eksenang ito.
“Siyempre, unang kinonsider ko yung asawa ko. Siyempre, dapat alam niya. Okay naman kay Kiko, e,” banggit ni Sharon.
Ano ang reaksiyon niya sa malakas tilian at talagang kinilig ang mga fans sa guest appearance na ito Gabby sa movie?
“Ine-expect na talaga namin yun,” sabi ni Sharon. “Kasi nga nung birthday ko last January, yung VTR greeting niya, talagang tinilian na ng mga tao, di ba? Hanggang ngayon nga, hindi ko alam yung sinabi niya, e. Kasi kahit panoorin mo yung. Kahit humingi ka pa ng tape at panoorin mo yung buong message, hindi mo talaga maririnig dahil naghiyawan talaga sa Araneta. So, we had a pretty clear idea of what’s going to happen. It’s a nice surprise for our fans. Nagpapasalamat din kami na pumayag si Gabby.”Can she say na unti-unti ay nagiging maayos na ang lahat between her and Gabby?
“Maayos na talaga,” sagot niya. “Siyempre, walang pinakamasarap sa buhay ng isang tao kundi yung wala kang kaaway, wala kang kinasasamaan ng loob, yung ganun. Pero hindi na lang siguro nagma-matter yung iba as much as yung kaligayahan ni KC, yun ang what matters to me. Yung peace ang talagang mahalaga sa buhay ng tao.
“And I think kahit naman ang mga fans namin, they’re happy na we’re both maayos na sa kanya-kanya naming buhay. Siyempre, nami-miss nila yung team-up. Lahat naman tayo nami-miss yun. Beloved loveteam ‘yan, e, so yun lang naman. I think, klaro naman lahat yun. I’m just happy, everyone’s okay, everything’s okay, you know, and KC is happy and peaceful. That’s more than enough for me.”