Shalani Soledad nahulog na kay Willie Revillame

    455
    0
    SHARE
    Halos sa araw-araw na ginawa ng Diyos na nagsasagutan tungkol sa pag-ibig sina Shalani Soledad at Willie Revillame sa Willing-Willie. Dama ng publiko na may nangyayari na sa dalawa, kaya naman everytime, di nawawla ang mga nag-uusisa sa amin kung true nga na magkarelasyon na ang dalawa.

    May mga balitang lumalabas na  tuluyan nang nahulog ang loob ni  Shalani  Soledad  kay Willie Revillame. Gaya nga pagbubiking ni Annabelle Rama na sina Willie at Shalani na.

    Hindi naman ito nakakapagtaka, sa araw-araw  ba naman na  kinukulit at sinusuyo ni Willie on  and off  cam, sino ang hindi mahuhulog ang  loob sa main man ng Willing Willie?

    Nagsimula ang lahat sa  tuksuhan at biruan pero kahit sino ang tanungin, knows na ang tipo ni Shalani  ang  talagang gugustuhin ni Willie. Kung noong una ay sobrang mahiyain si Konsehala Shalani, habang  lumipas ang mga araw, nasanay na rin itong humarap sa camera na tulong at suporta na rin ni Willie.

    Marami na tuloy ang nagtatanong kung suitor pa rin ba si Willie si Shalani o sila na? Hindi namin ito masagot pero sa nakita naming pictures ng dalawa sa  isang entertainment page, mukhang hindi na maitatago nina Willie at Shalani ang damdamin nila sa isa’t isa.  Matapos ang failed relationship ni Shalani kay Pangulong Noynoy Aquino, at  si Willie sa kanyang  failed marriage,  karapatan  din nilang  maging maligaya, ’di ba? Kaya kung may namamagitan na sa dalawa, tiyak na marami ang matutuwa dahil  they both deserve to  be happy.

    |Finally it was time for Shalani to speak up.  “Masarap katrabaho si Willie. Nahawa ako sa kanya. Pag siya’ng kasama ko, masaya talaga ako.

    “But let me focus on my work now. Huwag nating bigyan  muna ng kahulugan yung pagsakay  ko sa mga biro niya, parte lang po ng programa ‘yan.

    “Pero kung darating ang araw na kami na, walang makapipigil doon, kung yun ang kapalaran naming dalawa, tatanggapin ko.

    “But for now, I assure you na trabaho lang muna. Love can wait at sana, sa maganda nga mauwi itong sa amin ni Willie Revillame,” nagmamadaling sabi pa ni Shalani Soledad.

    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here