Kapuna-punang naggu-glow si Shalani everytime lumalabas siya on tv for the daily game show, Wil Time Big time, with co-host Willie Revillame.
So far, ganun pa rin ang hosting style ni Shalani, mabagal, pero this time, para lang siyang nasa alapaap.
Yunvbang one smile says it all, walang duda, walang pagsidlan ang kaligayahang nadarama niya sa ngayon.
Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig!
May panangga na rin siya kay Willie tuwing tinutukso siya nitong akala raw ba niya, between them, wala nang iwanan.
Maiksi pa rin lagi ang mga tugon niya, pero this time na, kulang na lang ay sabihan na niya si Willie na tigilan na siya nito kung sakali mang nagkaroon siya ng pitak sa puso niya. Na dahil nga nakasanla na ang puso kay Cong. Roman, walang ng puwang ang mga patutsada ni Willie Revillame.
One of these days, repeat, one of these days, pangako nina Shalani at Cong. Roman, they will call on their mutual friends from the entertainment press to share with them their plans for their upcoming wedding which will certainly take place next year.
Nga pala, hindi lang kay P-Noy, her ex-boyfriend, nagpapasalamat si Shalani Soledad para sa wishes
nito for her and her would-be groom, Pasig Congressman Roman Romulo, but to everyone who did the same.
Cong. Roman also thanked the President for his gesture. And since all three of them move in the same circle, politics, that is, ’di nakapagtataka if Cong. Roman and Shalani invite P-Noy to their wedding.
Dumalo naman kaya ang presidente?