Shalani Hakot Queen

    415
    0
    SHARE

    Daming mga taga-Valenzuela na nanonood ang live sa TV5 studio ng Wil Time Big Time. But it seems, mga kasama sila ni Councilor Shalani na mga supporters who root for her being a co-host of Willie Revillame. Nais siguro ni Shalani na marami ang manuod ng show kaya siya naghahakot ng mga tao sa loob ng studio.

    But did you know na hindi naman kailangang maghakot pa’ng tv host ng mga utaw dahil nga sa rami ng mga nakapila para makapanood ng daily Wil Time Big Time sa Channel 5. Yung iba, nanggagaling pa sa malayong lugar at talagang nagbabakasakali maambunan ng suwerte na masali sa mga games ng palabas. Kita naman kasi, yung mga nananalo kung gaano kalaki ang naiuuwi nilang biyaya kapag sinusuwerte nga sila.

    Going back to Shalani, true ba na nanliligaw sa kanya si Willie Revillame?

      “Masaya lang talaga kami sa set. Si Willie, palabiro naman siya talaga kaya may nag-aakalang totoo ‘yung tuksuhan sa amin. It’s true he gave me a belt, pero parang good luck gift lang yun sa pagbabalik ng show. Kung sa tingin nyo, nanliligaw siya, ask him yourself. Dapat, sa lalaki manggaling, di ba?”

    Overwhelming daw ang 37.5 percent in MegaTAM; overtaking GMA’s 26.0 percent and ABS-CBN’s 19.5 percent audience shares, respectively.  Dahil dito, pinadalhan daw sila ng commendation ng TV5 mismo.

    Masayang-masaya si Shalani Soledad dahil napatunayang isa na namang tagumpay ang Wil Time Bigtime. Matapos kastugihin ng mga powers-that-be, ayan nga at balik na sa sirkulasyon si Willie Revillame.  “We’re happy for the warm welcome given by the people dahil ilang araw na naming pinaghihirapan ito’t pinagpupuyatan to make sure magiging maganda ang pagbabalik ng show on the air,” sabi niya.

    “ We want to thank TV5 big boss Mr. Manny Pangilinan for his all out support sa show. He really made us feel important. Kahit nung nawala kami sa air, our salaries continued, inalagaan niya talaga kami. This time, we’ll make sure the viewers will like the show even more, especially the new games that are 50% based on our LED flooring to make it truly interactive, like Red, White, Blue, Family Apir, Roll It, and our banner segment Wil Time Bigtime. We’ll also make sure the show follows all the guidelines TV5 came up with, especially those concerning young people, para hindi na maulit ang any sad incident that happened before.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here