Shaina Magdayao selosa-to-the-max

    385
    0
    SHARE
    Naiintindiahan daw ni Shaina Magdayao kung may pagkakataong nakikipaghalikan ito sa mga artistang ipinapareha sa kanya. Ayon kay Shaina, naiintindihan daw niya’ng kanyang BF dahil siya man ay talagang showbiz din.

    “Selosa talaga ako pagdating sa family ko. Parang ako na lang ang apihin n’yo, ’wag lang ang pamilya ko, parang ganu’n.

    “Pero with John, I think it’s an advantage na pareho kaming nasa show business. Kasi, hindi naman maiaalis ang kissing scenes, love scenes, ’di ba?

    “Naiintindihan ko ’yon sa part niya at dapat din naman siguro, maintindihan niya ’yon sa part ko. Hindi maaalis ’yon. Basta professional ka, wala namang problema ’yon.”

    Nasulat na sinabi ni John na si Shaina ang babaing gusto niyang pakasalan at ihatid sa altar someday, ano ang masasabi niya rito?

    “Siguro, isa ’yon sa ways niya na ipakitang seryoso siya. Pangit naman siguro na seryoso siya, tapos iba-ibang babae, ’di ba?

    “Pero masyado pa po akong bata, eh. Okay lang para sa akin na madagdagan ang pamangkin pero kung anak ko, huwag naman muna. Malayo pa po.”

     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here