Inabot pala ng dalawang araw ang shoot ng mga love scenes nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao para sa isang movie.
Sabi ni Piolo, first time rin daw niya na gumawa ng ganu’n ka-daring na eksena at mas lalo na siyempre si Shaina.
“Kasi nagsimula kami sa labas hanggang sa loob ng kuwarto,” kuwento ni Piolo.
Hindi rin naging madali for Shaina na tanggapin ang pelikula dahil nga sa naturang eksena at say nga ni Piolo, dahil daw dito ay nabigyan niya ng sleepless nights ang leading lady.
“It’s too daring for Shaina. Hindi ganu’n kadali ang ginawa ni Shai, same with Dawn. Kahit sino namang babae, ’di ba? Pero just the same, trabaho ’yun,” he said.
Bukod kina Dawn, Gerald and Piolo ay nasa mini-presscon din sina Empress at Rayver Cruz at kinantyawan nga rin sila kung wala ba silang love scenes sa pelikulang ito.
Say ni Rayver, sa sobrang sanay na raw niyang mag-love scene, hindi na siya binigyan kaya nagkatawanan.
Si Empress naman, si Joseph Marco pa rin ang kapareha niya sa movie kaya tinukso na naman sila ng press.
Showing na ngayong Miyerkules, Aug. 28, ang On The Job kung saan ay itinanghal na Best Actor si Joel Torre sa 2013 PiFan (Puchon International Fantastic) Film Festival. Matatandaan ding nagkaroon ng world premiere ang movie sa 66th Cannes International Film Festival sa France.
The movie is a crime-drama-action kung saan ay ginagampanan ni Piolo at Rayver ang papel na NBI agents habang ang role naman nina Gerald at Joel ay mga bilanggo.
Under Star Cinema and Reality Entertainment, kasama rin sa movie sina Angel Aquino, Leo Martinez, Michael de Mesa and Vivian Velez.