Home Headlines Shabu inipit sa diaper ng apo

Shabu inipit sa diaper ng apo

224
0
SHARE

LUNGSOD NG CABANATUAN – Arestado ang isang 70-taong-gulang na biyudo nang mabisto ng mga jail officials ang kanyang pagtatangka na magpuslit ng droga para sa anak na nakapiit sa Nueva Ecija Provincial Jail (NEPJ) bandang alas-9:45 ng umaga nitong Linggo, Aug. 25.

Batay sa ulat ng Cabanatuan City Police Station, inipit umano ng suspek na hindi pa pinangalanan ang hinihinalang shabu sa diaper ng isang-taong-gulang niyang apo na bitbit nito.

Ang suspek ay residente ng Barangay San Juan Accfa ng lungsod na ito, ayon sa CCPS.

Sa imbestigasyon, nakaditine ang anak ng suspek na kinilala sa alyas na “Angelo”, dahil sa alegasyon ng pagtutulak ng droga o paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

“However, during routine body check, a small transparent sachet containing white crystalline substance suspected (to be) shabu was discovered concealed inside the worn diaper of the suspect’s one-year-old grandson whom he carried,” ayon sa pulisya.

Tinatayang nasa isang gramo na nagkalahalaga, batay sa umiiral na batayan ng Dangerous Drugs Board, ng P6,800 ang nakumpiskang shabu.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 ang suspek. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here