Sexy tv host dumiretso kay congressman

    582
    0
    SHARE
    Sikat ang sexy tv host na ito. Ang kanyang manager ay kilalang bugaw kaya noon pa man, marami na ang naghihinalang padyokad din ang hitad. At komo nga pinagsususpetsuhan, sinibukan siyang kausapin ng isang dating sexy starlet na ngayon ay umaatikabong bugaw na. Kinausap niya ito tungkol sa alok na dalawandaang libong piso ng alok ng isang kongresista for a one night lay. You see, obsessed daw si congressman sa beauty ni sexy tv host at talagang kahit napalaking halaga ay kakayanin niya para lang matikman ang puday ng sexy star.

    Pero alam ba ninyong nagpakatanggi-tanggi si sexy tv host at nag-dialogue pa ng di raw siya gumagawa ng karumal-dumal. Na kesyo malinis nga ang kanyang pagkababae na kasimbusilak ng maputing perlas.

    Sa kapipilit, napahinuhod din si starlet pero ang usapan, PR lang, magdi-dinner lang kumbaga. Ngitngit si sexy star na bugaw kasi nawala ang malaking komisyon na dapat niyang kitain. Pero sa kabila nito, humanga pa siya nang palihim sa sexy tv host dahil nga nakaya nitong pakawalan ang malaking halaga dahil nga may dignidad at malinis daw pala ang pagkabababae nito. Bihira lang daw ang tumatanggi sa ganoong kalaking halaga na nakukuha naman daw sa paligo.

    Kaya lang yung ngitngit ni sexy star ay nagging malaking galit na. Dahil nalaman niyang nagmamalinis lang pala si

    sexy tv host. Pinatulan din pala ni sexy tv host si congressman at ngayon nga ito ay sugar daddy na niya. Lahat ng luho nito ngayon ay galing isa kongresista. Kumbaga, dumiretso lang pala siya para di masayang ang komisyon na sana ay kikitain ng bugaw na laos na sexy star.

    Clue? Kapangalan siya ng dating child actor na nagkapangalan noong late 80s. At yung congressman, ang apelyido niya ay kapampangangan word ng mahangang as in siling soirang anghang.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here