Sexy starlet nagsanla ng kotseng ‘di sa kanya…
    ipinatalo lang sa casino

    505
    0
    SHARE
    Sobrang paghihirap pala ang pinagdaraanan ng dating sexy star na ito.  Lulong kasi sa drugs at casino ang hitad kaya talagang walang natitira sa kanyang naimpok noong nagtatamasa pa siya.  Member ng banda ang dating sexy starlet pero sumikat din siya bilang boldstar.  Naging bida siya sa ilang sexy movies and for a time talaga namang sumikat siya.

    Pero hindi naging maingat sa kanyang pera si boldie. Ang ending, naghirap siya’t ngayon nga, sa casino na siya naglalagi.

    Kapag walang maitaya, talaga namang nakikibalato si sexy star sa mga kapwua niya lulong at kung minsan naman, kapag may customer na nagkakakursunada sa kanya, game siyang sumasama all the way, for a fee of course. In short putatsing na ang drama niya sa casino.

    Pero heto na ang pinaka, akalain ba namang naisanla nito ang kotseng ng kaibigan niyang lalaki na nakilala lang nito sa casino. Minsan kasi, sinamahan niya ang lalaki sa isang nagpapautang at ipinrenda ang kotse. Ang siste, nang matubos na ito, kinabukasan lang, tumalilis si sexy star at bumalik sa sanlaan at kumuha ng pera na ang prenda ay ang kotse ng kaibigan. Walang kaalam-alam ‘yung lalaki na naisanla na nga ni istarleta ang sasakyan niya.

    Puwede nang hulaan ang ending ng istoryang ito. Natural, galit na galit si lalaki pero walang nagawa kundi itsismis na lang ang ginawa ng balahurang starlet. At ito ang rason kung bakit nakarating sa amin ang karima-rimarin na gawain ng babaing ito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here