Sexbomb binuwag, pero binuo ni Joy ang Daisies

    415
    0
    SHARE
    Matagal na pinaiikot-ikot ang isyung pagbuwag sa Sexbomb, dahil lagi naman itong kinokontara at dine-deny.

    Pero ngayonb, mismong ang manager ng Sexbomb Girls na si kaibigang Joy Cancio ang nagkumpirma na iniwan na ni  Jopay Paguia ang dance group para mag-concentrate na lang sa pagne-negosyo. 

    Habang si Evette Pabalan ay gustong mag-solo na lang.

    “Gusto mag-try ni Evette na baka naman palarin din siya kapag nagsolo na siya.  Hindi ko naman maipagkakait na subukan nila ang magsolo sa labas ng management  ko dahil nakilala silang grupo.

    “Basta from the start, ang layunin ko ay mabigyan sila ng trabaho at reward na lang sa amin ang pagsikat ng Sexbomb dahil sa sipag na ginawa naming pare-pareho.  At sana marating niya ang tagumpay na hinahanap niya,” paliwanag ni Joy.

    Bukod kay Jopay, out na rin si Shane Gonzalez na ang paalam kay Joy ay ipagpapatuloy ang pag-aaral.

    Habang nag-decide naman ang Focus E na hindi na i-renew sina Jackie Rivas at Cynthia Yapchingco.

    Kung ano man ang dahilan ay hindi na nabanggit ni Joy.

    Naging reason naman daw ng pag-alis sa Sexbomb ni Danielle Ramirez ay dahil unfair daw si Joy sa pagma-manage sa mga ito, na mariing itinanggi ni Joy.

    “Trabaho po ang pangako sa kanila, hindi ang pagsikat.  Ang alam ko, ang pagsikat ay bunga ng pagsisipag.  Our God’s will po kumbaga.

    “Malungkot ang mawala sila pero may mga sarili kasi na silang buhay kaya okey naman po sa amin ‘yun.  Ang maganda ay nagpaalam sila nang maayos.  At masaya naman ako dahil may mga bago din naman pumalit tulad ng 17-anyos na si Jomarie Gutierrez at  si Jaja Barro, 16-years-old.

    “May boses si Jaja at kasama sa grupong binuo ko na DAISIES with Louise Bolton, Myka Bautista, Cheche Tolentino at Jomarie Gutierrez para sa carrier single nila na Take One under Sony Music,” kuwento pa ni Joy.

    Magkakaroon sila ng mall tour sa Robinson’s Metro East activity center on May 15 para sa kanilang “Let’s Get Aww Summer Workshop Recital.”

    Makakasama ng Daisies ang Danz Focus, si Julian Trono, at Sexbomb girls with Rochelle Pangilinan na magsisimula sa alas-3 ng hapon. 

    On May 23, nasa Robinson’s Novaliches sila, sa May 30 sa Robinson’s Angeles, Pampanga at makakasama nila ang ilang stars ng Daisy Siete’s Adam or Eve.


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here