Sa guesting ni Matteo Guidicelli sa The Buzz ay tinutukso siya dahil sa kawalan nila ng sex life ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo. Hindi naman ito itinanggi ng binata, at sinabi nito na, “The Bible says you can only do that after marriage”.
Aniya pa, kahit na raw maraming nagkakamali at hindi nasusunod ang sinasabi ng Bibliya ay dapat pa ring subukan na gawin ang tama.
Dagdag pa ni Matteo,“We try to be better in our future relationships. It’s possible di ba?” Nagbigay naman ng opinyon ang mga hosts ng The Buzz na sina Kris Aquino at Boy Abunda tungkol sa isyung ito.
Ayon kay Boy, importante ang communication between parents and their children. Importante rin daw na makinig ang mga magulang sa kanilang mga anak.
Nagbahagi naman si Kris ng opinyon ng kanyang anak na si Bimby tungkol sa kanyang love life.
Kwento ni Kris, sinabi diumano ni Bimby kay Bianca Gonzales na ayaw niyang magka-boyfriend ang mommy niya dahil aniya “I want to spare her from another heartache.”
Giit ni Kris, “When you listen to your kids, they will listen to you.” Bilib diumano si Kris kay Matteo dahil sinasabi nito na, “na-instill ang tamang values kay Sarah, and he’s living with that.”
Ayon kay Boy, katulad ni Matteo at Sarah, “Boyfriends and girlfriends should start talking about sex.”
Dagdag naman ni Kris, “May responsibilidad na kasama ang sex hindi puro sarap lang,” Hanga rin ang dalawa kay Matteo dahil bukal ito sa malinis na intensyon nito kay Sarah.
“I want her to be my last,” sabi pa ni Matteo. May panawagan si Kris sa mga kaibigan ni Sarah at Matteo. Sabi ng tv host/actress, “Huwag niyong tuksuhin, tulungan niyo na lang ang relationship ng dalawa kung friends niyo sila.”a