SEX DEN SINALAKAY
    6 kabataang babae, 1 bakla nasagip

    839
    0
    SHARE
    BOCAUE, Bulacan—Arestado ang isang ginang na may-ari ng isang bahay na umano’y sex den sa Barangay Batia sa bayang ito habang nailigtas naman ang pitong  menor de edad na mga bata nang salakayin ng kapulisan ang naturang bahay.

    Naaresto ang umanoy “Mama Sang” na si Rowena Atendido, residente ng NorthVille 5 relocation site sa Barangay Batia ng nabanggit na lugar samantalang nasagip naman ng pulisya ang anim na mga babae at isang bakla na umanoy nagsisilbing bugaw sa bentahan ng laman.

    Ayon kay Supt. Ronald De Jesus, hepe ng Bocaue PNP, matagal na nilang minamanmanan ang naturang lugar dahil sa ulat na nagbebenta dito ng menor de edad na laman.

    Aniya, umaabot ng P100 hanggang P150 ang halaga ng bentahan ng mga batang babaeng menor de edad na kung minsan ay iniaalok lamang na tatlo sa P100.

    Kaya’t dakong alas-8:30 noong Huwebes ay sinalakay ng mga elemento ng Regional Investigation.and Detective Management Division, Bulacan PPO at MSWDO ng bayang ito dahil na din sa ibinigay na impormasyon ng isang asset na may nagaganap na kalakal ng katawan sa lugar na nabanggit.

    Napag-alaman din na umanoy binubugaw ng isang menor de edad na bakla sa mga parukyanong mga traysikel drayber at mga kargador ng kilalang rice mill sa naturang bayan ang mga batang babae.

    Si Atendido ay kasalukuyang nakapiit sa Bocaue Municipal Jail na nahaharap sa kasong Child Abuse in Relation to R.A. 7610 habang inilipat naman sa pangangalaga ng MSWDO ang mga nasagip na anim na kabataan kabilang ang umanoy bugaw na bakla.

    Kinumpirma naman ng isa sa mga batang nailigtas na kumikita siya ng hanggang P150 sa tuwing siya ay ilalabas ng kanilang parukyano.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here