Serye ni Julia Montes maagang sisibakin ng ABS-CBN

    345
    0
    SHARE

    HINDI rin pangmahabaan ang seryeng Muling Buksan Ang Puso at pang-one season lang ito na tinatampukan nina Julia Montes, Enrique Gil at Enchong Dee.

    Baka sabihin na naman ng mga intrigero mababa ang ratings at natalo  ng kalaban pag napunta sa 3rd slot at natapos agad.

    Ngayon pa lang nai-excite na kami kung saan hahantong ang role ni Enchong na magiging kontrabida nina Enrique at Julia. Magkakaroon ng twist sa ending na lalabas pang ‘hero’ ang karakter ni Enchong at kung bakit Muling Buksan Ang Puso.

    Yes, pagkatapos ng Huwag Ka lang Mawawala, mababago na naman ang oras ng mga primetime show  ng ABS-CBN 2.

    Magsisimula pa rin ito sa Annaliza, susundan ng TV Patrol, Juan dela Cruz, bagong serye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na Got To Believe at Muling Buksan Ang Puso.

    Samantala, paiibigin ng primetime idols ng ABS-CBN sina Julia Montes, Enchong Dee at Enrique Gil ang loyal viewers ng top-rating drama series nilang Muling Buksan Ang Puso sa grand launch ng kanilang official soundtrack album. Gaganapin ito ngayong Linggo (Agosto 11) sa Trinoma Activity Center sa Quezon City, 4pm.

    Kasama ng tatlo sa album launch ang platinum-selling recording artists ng Star Records na sina Angeline Quinto at Juris.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here