Makaraan lang ang isang taon halos
Ay nakahinga ng maluwag ang Lungsod
Ng Angeles mula sa kanyang gabundok
Ng pagkakautang at malaking gastos
Sapol nang maupo si Mayor Pamintuan,
At tutukan nito ang naging dahilan
Kung bakit lumobo’t nabaon sa utang
Ang ‘city hall’ sa kamay ng pinalitan;
Na posibleng sanhi ng kawalang ingat
Kung di man dala ng pagiging bulagsak
Ng dating alkalde sa pera ng siyudad
Kung kaya ang kaban ng bayan nalimas.
At ni kusing wala yatang itinira
Si Blueboy sa bangko nang bumaba siya;
Kaya suma total – ang sabi nga nila:
“Utang ang kay Edpam iniwang pamana!”
Pero ganun pa man, sa paunti-unti
Ang ‘city of angels’ nakabangon muli
Mula sa delubyo, hirap at lunggati
Nang si Edpam itong maging mayor uli
Ng Angeles matapos ang ilang taon
Ng panunungkulan ni Tarsan at Blueboy
Bilang alkalde riyan at kung saan itong
Sinundan ni Edpam ang itinuturong
Di naging maingat sa kanyang pag-gasta
Sa pera ng bayan na dapat po sana
Ay di nasimot kung inilagay niya
Sa lugar ang bawat hakbangin kumbaga
Kaya kumpara sa Ama ng Tahanan,
Ay naging mabisyo’t nalulong sa sugal
Itong dapat sana ay maging uliran
Sa kanyang pamilya kaya nagkaganyan.
Buti na lamang at mayrung isang Edpam
Na nakaisip na pamuling balikan
Ang siyudad matapos ang ilang taon niyang
Panunungkulan sa gobyerno nasyonal.
At sa matagumpay nitong pagbabalik
Bilang ‘city Dad’ ay muling nanumbalik
Ang kaayusan sa lahat ng paligid,
Partikular na ang serbisyong malinis
Na walang ano pa mang itinatago
Sa mata ng masa itong nakaupo,
Mula sa pinaka-mababa mang anyo
Nitong ‘public service’ sa siyudad ni Apo.
Nawala sa ‘city hall’ ang ‘ghost employee’
At ang gastusing di lubhang importante,
Kung kaya ang utang ng dating alkalde
Ay nabayaran na; at kung saan pati
Ang problema hinggil sa ‘millions of pesos’
Na pagkakautang n’yan sa taga-hakot
At bagsakan ng basura nitong lungsod
Ay nabayaran na rin naman ng lubos.
Kaya kung ang siyudad ay nakaranas man
Ng delubyo, nang ang Pinatubong bulkan
Ay igupo n’yan ang buong kalunsuran,
Yan ay naibangon nang muli ni Edpam.
Sa napakahusay na pamamalakad
At walang anumang pansariling hangad,
Kundi maglingkod ng malinis at tapat
Sa minamahal na sinilangang siyudad!