Home Headlines Serbisyo Caravan ginanap

Serbisyo Caravan ginanap

768
0
SHARE

STA CRUZ, Zambales  — Magkatuwang ang Municipal Task Force ELCAC ng bayang ito at ang kasundaluhan ng 3rd Mechanized Infantry Battalion, Situational Awareness and Knowledge Management (SAKM) Cluster ng RTF-ELCAC 3 at iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan sa magkasunod na Serbisyo Caravan na ginanap sa magkahiwalay na lugar sa Sitio Acoje, Barangay Lucapon South at Barangay Biay sa bayang ito.

Pinangunahan ni Mayor Consolacion Marty ang Serbisyo Caravan para ipaabot sa mga residente ng dalawang barangay ang libreng medical check-up and services, pamimigay ng libreng gamot at medisina, pagkuha ng birth certificate at registration sa PSA, libreng tuli, pamimigay ng libreng hygiene kits, Covid-19 vaccination, pagkuha ng national ID at libreng gupit. 

Nagbigay din ng impormasyon patungkol sa panlilinlang, panre-recruit at pang-aabuso ng mga terorista sa ibat-ibang sektor ng lipunan ang SAKM Cluster, kasunod ang pagbibigay ng karanasan ng dating rebelde bilang patunay sa kanyang karanasan mula sa kanyang pagkakarecruit hanggang sa kanyang pagbabalik-loob.

Sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Suslijah John N. Gesmundo, ang municipal local government operations officer, sinabi ni Marty na ang layunin ng Serbisyo Caravan ay para magbigay sa inyo ng mga serbisyo at pangangailangan mula sa ating gobyerno sa pamamagitan ng mga sangay ng lokal na pamahalaan dito sa ating bayan sa pakikipagtulungan ng mga kasundaluhan upang tuluyang maging progresibo at matatag ang bawat mamamayan ng ating bayan. 

    
Samantala, inihayag ni Lt. Col. Jeszer M. Bautista, acting commanding officer ng 3MIB, ang kanilang suporta at ang kanilang papel na ginagampanan para sa kapayapaan at kaunlaran ng nasabing bayan.


“Ang ginagawa natin ay whole of government approach upang sugpuin ang communist terrorist group dahil sa loob ng limang dekada, ang komunista-teroristang grupo ang lalong nagpahirap sa kalagayan natin, sila ay naging salot sa lipunan na sumira sa ating pamilya at sa ating komunidad. Bilang isa sa mga sangay na bumubuo ng MTF-ELCAC, responsibilidad namin kasama ang mga ibat-ibang sangay ng gobyerno na patigilin o sugpuin ang mga komunistang teroristang grupo. Kami ay pinagsama-sama upang ihatid sa taong-bayan ang kalutasan sa kanilang mga suliranin, maibigay ang mga serbisyong nararapat nilang matanggap mula sa isang gobyernoong tapat sa mamamayan,” ani Bautista.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here