Ng lahat na – itong masasabi nating
Iisang tao lang naman ang posibleng
Nagkamali pero ang grupo damay din?
Gaya halimbawa nitong mainit na
Isyu na kung saan ngayon si De Lima
Ay tila nakialam sa bagay na di niya
Marapat daw yatang panghimasukan ba?
Dala na rin nitong ang isyu ay tungkol
Sa isang maselang isyung pangrelihiyon,
Na kung saan itong sabi’y ‘Separation
of Church and state’ ang siyang tinutukoy
Na naging ugat ng isang ‘peaceful rally’
Ng mga kaanib sa sektang INC
Laban mismo kay DOJ Secretary
Leila de Lima ay tila tumitindi
At damay pati na ang buong partido
Ni PNoy at ang Liberal na rin mismo
Kapag di umaksyon at gumawa ito
Ng kung anong nararapat na remedyo
Para ang pagdagsa sa kung anong lugar
Sa Metro-Manila ng sektang naturan
Para komprontahin ang pamahalaan,
Partikular na si De Lima’y maibsan
Bagama’t posibleng itong si De Lima
Ay may katuwiran sa ganang sa kanya
Base sa legal na paninindigan niya
Na na-aayon sa batas yan kumbaga.
Na kahiman mayrung ‘Separation of Church
and State’ ay tunay din namang may batas
Ang alin mang bansa, na kapag nilabag
Ng sinuman ito’y kastiguhin dapat.
Gaya nitong kailan lang napabalita,
Na diumano ay may ikinulong yata
Ito mismong mga taga-pamahala
Ng INC, at mayrun ding nawawala.
Malay natin baka may mga nagsumbong
Sa DOJ kaya gumawa ng aksyon
Itong si De Lima upang bigyang tugon
Ang ini-report ng mga taong iyon?
Di ko sinasabing ang kabilang panig
Ang mali sa isyu na ikinagalit
Ng mga yan pero dapat ding mabatid
Nila na tayo ay mayrung ‘bar of justice’
Na namamagitan pagdating sa puntong
Kinakailangan na ang legal na aksyon
Para maresolba ang anumang gulong
Posibleng sa grabeng bagay nga humantong.
Pero kung talaga itong si De Lima
Ang may pagkukulang o umabuso siya
Sa tungkuling dapat paka-ingatan niya,
Ang pagbibitiw sa puesto ay sapat na.
Para maresolba’t tuluyang malutas
Itong sa ngayon ay tila nag-aalab
Na ngitngit sa dibdib nitong nag-aaklas
Ng mga kapatid natin kay Jesus Christ?
Sanhi nga umano nitong pakikialam
Sa ‘internal affair’ ng sektang naturan,
Gayong si Sec De Lima’y ginawa lang niyan
Ang tungkulin bilang isang ‘public servant’?!