Home Opinion Senyales na ba ng mayAlzheimer’s na siya?

Senyales na ba ng may
Alzheimer’s na siya?

2105
0
SHARE

DI KAYA kabayan itong nangyayaring
mga kakaibang bagay na di dating
kay pangulong Digong naririnig natin
ay ‘signs’ na ng kanyang pagiging ulyanin?

Sa kadahilanang napag-hahalata
na kay pangulo ang tulad halimbawa
nang kahapon lang ay kanyang sinalita,
bukas, iba na ang tono ng salita.

Gaya ng ‘Endo’ na kanyang pinangako
sa ‘labor sector’ nang bago siya maupo,
yan hanggang sa oras na ito ay bigo
tayo, na umasa sa kanyang pangako.

At itong hinggil sa ‘REVGOV’ na siya rin
ang kay Nur Misuari ay nangakong tupdin
ang napag-usapang pagtulungang gawin,
kanyang itinanggi nang siya’y usisain?

Di raw siya kundi si Cory Aquino
ang aniya’y sa ‘REVGOV’ talagang nagplano,
gayong sila ni Nur ang magka-alyado
sa isinusulong na Federalismo?

Na ‘Egalitarian’ ang sistema nito
at ‘unitary’ ang pagkilos ng tao,
di gaya ng ngayon na klaseng gobyerno,
na papalit-papalit lang ang mga trapo.

Kaya nang dahil sa pansarili lagi
ang tila atupag n’yan bawat sandali,
sa loob ng halos ‘5 five years’  di sumagi
sa isip ang dapat sana ngayo’y wagi?

Pero kung ang bagay na yan sineryoso
ng akala nati’y bihasang kutsero,
disin sana itong ala moro-moro
na larong pambata ay hindi nauso?

Kundi ba naman may asal mapang-hamon
ang ating ‘joker’ na si pangulong Digong
akalain mo bang pati na r’yan taong
simbahan ay kanyang tinitira ngayon?

Na hindi marapat pagkat ang simbahan
at ang estado ay magkahiwalay yan
sa kung anong bagay na tinutungtungan
na di mapagbuklod sa mundong ibabaw.

Lahat na lang yatang pang-‘Believe It or Not’
ni Ripley’s kanya ng ginawa at sukat,
liban sa pangako niyang maging ligtas
ang kaban ng bayan sa tiwali’t corrupt.

At ang maging tunay na idolo ng tanan
sa naging ambag niya sa ‘ting Inangbayan
bilang pangulo na sinasaluduhan
ng lahat, huwag nawang kabaligtaran n’yan.

Sana, yung kahit wala na sa mundo
ay pag-uusapan pa ng mga tao
ang kabutihan niya, kaysa kung gaano
siya umani ng pintas sa publiko.

At SANA  marinig pa lang pangalan
ng katulad niya – may magsasabi riyan:
“Na napakabait at tunay din namang
ang taong ito ay idolo ng bayan?”.

Minsan lamang tayo dito sa daigdig
daraan at di na muli panng babalik,
bakit sasayangin ang bigay ng langit,
na mamuhay dito nang ni walang batik?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here