Senior citizen, pinatay sa saksak

    425
    0
    SHARE
    HAGONOY, Bulacan – Patay matapos pagsasaksakin sa loob mismo ng kanyang kuarto ang isang 74 anyos na senior citizen sa barangay San Pedro sa bayan ng Hagonoy, Bulacan kaninang madaling araw.

    Ang biktima ay nakilalang si Andres Mendoza, 74, may asawa.

    Ayon sa mga kaanak ng biktima na sina Romeo Mendoza Sr., kapatid ng biktima, at anak nitong si Romeo Mendoza Jr, na pamangkin naman ng biktima, madaling araw ng alas-kuatro ay humingi ng saklolo sa kanila ang kasera na si Perpetua Caparaz at ipinaalam na nasaksak ang biktima.

    Anila, nakalabas pa ng bahay si Mendoza at humingi ng saklolo upang isugod siya sa ospital.

    Habang naghahabol umano ito ng hininga ay sinasambit ang pangalang Virginia na siyang sumaksak sa kanya.

    Isinugod sa ospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay sa dami ng tinamong saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan..

    Ayon kay PO3 Nino Yang, police investigator, sa Malolos PNP sumuko naman ang suspek na kanyang kinilala na si Virginia Lopez, 25, dalaga, at residente ng barangay San Agustin sa bayan ng Hagonoy.

    Ayon sa impormasyon, bagong magkakilala pa lamang ang suspek at ang biktima na kung minsan ay nakikita pang magka-akbay.

    Sa katunayan ay bago umano nangyari ang krimen ay magkainuman pa ang suspek at ang biktima hanggang madaling araw.

    Nagpapautang umano ng pera ang biktima at hanggang sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon kung ninakawan pa ito ng pera.

    Ayon sa mga kaanak ng biktima, posibleng hindi pinautang nito ang suspek kayat siya ay pinaslang.

    Hindi humarap sa camera ang nakakulong na babaeng suspek, ngunit dinepensa lamang umano niya ang kanyang sarili dahil sa tinangka siyang halayin ng matanda.

    Ang bangkay ng biktima ay isinailalim pa sa awtopsiya bago iburol sa kanilang tahanan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here