Home Headlines ‘Senator Marcos amends Bill for Senior Citizens’

‘Senator Marcos amends Bill for Senior Citizens’

539
0
SHARE

Maganda ang panukalang isinulong
ni Imee, na sister ng ating Pangulong
BBM, kung saan ang ‘aged 80 seniors,
pataas – mabigyan na ng ‘one-time pension’;

Na tig-Isang Daang Libong Piso bawat
‘senior citizen’ ang pagtuntong sa edad
na otsenta (80) años, nobenta, pataas;
lalo na syempre ang sa ‘100 years’ lampas.

(At ‘one-time’ din dapat itong pagbibigay,
at di lampas sa petsang kapanganakan
ng bawat senior na nakatakdang bigyan
nitong kumbaga ay ayudang pinansyal.

Na naisipan nga ni Senator Marcos
upang maibigay na sa mga Seniors
‘80’ na ang edad – kasama r’yan ‘of course’
ang dating bida na tig-100 years old).

At hangga’t maari, bago pa ang petsa
nang pagkakasilang nitong bawat isa
nating mga seniors, sana ibigay na
nga nila ang pera n’yan ng mas maaga.

O nang ‘on time’ bago pa riyan dumatal
ang ‘birthday’ ni Lolo, ni Lola, ni Tatay
ni Nanay, pati sa nanatiling walang
Romeo’t Julieta sa kanilang buhay.

Upang itong bawat Senior ay madama
sa puso’t damdamin na sila rin pala
di napabayaan at sila ang una
na tinititigan kumpara sa iba.

Gaano kalaki sa panahong ito
ang ika nga’y ISANG DAANG LIBONG PISO,
para sa bawat isang benepisyario,
na makatatanggap ng halagang ito?

Pagkat sa totoo lang ang halagang iyan
kung ikumpara sa kuwartang ninanakaw
ng mga Dorobo’t Ali Baba riyan
sa salaping dapat ay para kay Juan lang;

Na ibinubulsa ng nakararaming
opisyal na tayo itong naglulok din
sa Senate, sa Congress at iba pa nating
minsa’y bale-wala ang tangang tungkulin.

Marami na itong dapat makatanggap
ng para sa ‘seniors’ na hindi lang edad
nobenta anyos ang pumanaw at sukat,
na di naambunan ang kanilang palad.

Sanhi rin nitong sa tig-ISANG DAANG
TAON ang EDAD lang ang unang nabigyan;
na lubhang maliit ang ganitong bilang
ng mga Seniors ang abutin ang ganyan.

Diyan nasusubok ang husay at galing
ng nasa gobyerno, kung saan pagdating
sa kapakanan ng Masa ubod himbing
ang pagkakatulog at pagkagupiling.

Salamat, at mayrun tayong Imee Marcos
sa Senate, na siyang para sa’ting Seniors
edad ‘eighty plus’ ay matanggap ang bonus,
na ‘for sure will be one hundred thousand pesos’!

(‘And, if ever her bill in Senate gained support
Likewise to 70’s of age also be moved
To amend and lowered to age 60’s seniors,
The least, the Solons can do as starting point).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here