Senator Bong Revilla nakipagkasundo na kay Hayden Kho

    410
    0
    SHARE

    TULAD NG inaasahan ng lahat, nagkita at nagkaayos na nga na sina Sen. Bong Revilla at dating magkarelasyong Dra. Vicky Belo and Hayden Kho sa kanilang trip sa Holy Land na nagsimula noong March 29.

    Nag-post si Hayden ng picture nila ni Sen. Bong na magkasama sa kanyang Instagram account kung saan ay makikitang pareho silang naka-smile. May photo caption ang larawan na ganito ang nakasaad:

    “But this is really the most amazing part of the trip — a miracle. No judgements please and no sour comments. All heavens rejoice for another soul pledged for Christ. As for me and Bong, ‘Blessed be the God and Father of our Lord Jesus Christ, the Father of mercies and God of all comfort, who comforts us in all our affliction, so that we may be able to comfort those who are in any affl iction, with the comfort with which we ourselves are comforted by God. 2 Corinthians 1:3-4.’”

    Bago pa man umalis ang dalawang grupo (kasama ni Sen. Bong ang kanyang pamilya) patungong Holy Land ay usap-usapan na sa showbiz ang bakasyon nila dahil para kasing pinagtiyap na nagkasabay pa sila ng date ng booking.

    Noon pa ay hinuhulaan na ngang malamang ay doon pa sila magkaayos na siya ngang nangyari. Even before he left, open na rin naman si Sen. Bong sa reconciliation dahil aniya ay matagal nang panahon ang lumipas at nagdesisyon na ang korte tungkol sa kasong kinasangkutan ni Hayden noon.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here