Nainip ang mga fans ni Senator Bong Revilla sa tagal bago dumating ang character niya sa Indio ng GMA 7.
“Before I appeared on the show, everywhere I go, people would tell me: Kailan ka ba lalabas sa ‘Indio,’ inaabangan ka na namin,” sabi niya. “That’s when I realized na ang lakas talaga ng impact ng ‘Indio’ sa publiko, kaya hindi talaga ko nagsisising ginawa ko ito kahit napakahirap at napakamagastos niyang gawin.
I’d really like to thank GMA7 for giving me their trust to star in a project that’s definitely the most important and expensive production any local network has ventured into.”
Siya pala mismo ang namili ng direktor para sa naturang epicserye. “At ngayon, kitang-kitang hindi kami nagkamali ng desisyong kunin siya kasi he’s doing an excellent job at talagang maipagmamalaki namin ang show. He’s very good in storytelling.
Talagang mahahatak ang attention mo in following the story of the boy who’s half-human and half-diwata kaya may superpowers siya. He uses these powers in the various fight scenes na action-packed ang pagkakagawa.
At sa laki pa ng casting ng ‘Indio’, impressive na. The best Kapuso talents are in the series. Sa leading ladies ko lang, wala na kong itulak-kabigin sa ganda’t husay nina Jennylyn Mercado, Rhian Ramos and Maxene Magalona.
”Ngayong linggo, mamamatay ang charater ni Maxene Magalona, as Rosa, Indio’s first love, sa kamay ni Michael de Mesa as Juancho, whose daughter Jennylyn as Esperanza sees it but chooses to keep quiet about it. Bong as Indio wants to avenge the death of his beloved but Rhian as Diwata Magayon warns her that he’ll commit a mistake.
Marami pang kaganapan sa istorya at kontrabida naman si Jackielou Blanco na siyang lalason sa kaisipan ni Juancho para maging kaaway si Indio.