Home Headlines Senate bet wants mandatory military service

Senate bet wants mandatory military service

130
0
SHARE
Senatorial candidate Norberto Gonzales meets Bataan press. Photo: Ernie Esconde

BALANGA CITY — Former Defense Secretary Norberto Gonzales said that the Philippines has to review its defense strategy and, should he win in his Senate bid, will push mandatory military service for all 18 years old and above.

Gonzales, also former national security adviser, met with local reporters on Wednesday this city, his hometown.

He said that the Armed Forces of the Philippines and the Department of National Defense are already doing something on cyber security and he is willing to help. “Pero ang talagang medyo pinagtutuunan ko ng interest ay ang ating defense strategy lalo na dito sa atin sa Bataan.”

“Kung sakaling magkakaroon ng atake ang China ay siguradong damay ang Bataan kaya importante na maipaliwanag natin sa mga kababayan natin na hindi naman natin pina-plano na atakihin ang China, hindi natin kaya ‘yon,” Gonzales said. 

“Kasi very important ang China, ito ang aking magiging major na intervention sa gobyerno at sa kung sakaling manalo, sa paggawa ng batas.  Ang sinasabi ko dahil sa dati akong defense secretary, ang tingin ko ang ating defense strategy, ang national defense strategy dapat natin i-review na mabuti kasi kung titingnan mo, wala tayong sariling defense strategy,” he added. 

“Sa katotohanan lang, lagi bang umaasa tayo na ipagtatanggol tayo ng Amerikano? Ngayon dumating na din yung mga Hapon, Australia, New Zealand, eh gusto nila tumulong sa atin kung sakaling atakihin din tayo ng China tulad ng pag atake sa Taiwan. Pati ang NATO countries, ang mga taga- Europa, ang France di ba mga German pumapasyal na dito sa atin, why?” Gonzales asked. 

“Kasi very important ngayon ang sitwasyon ng Pilipinas.  Kung may gulo sa Europa, nakasentro ‘yan sa Ukraine.  Pag nagkagulo dito sa Asia-Pacific region, nakasentro yan sa Pilipinas kaya very important yong gagawin ng Pilipino,” he answered his own question. 

 “Ang problema lang sa tingin ko, hindi malinaw ang defense strategy ng ating bansa most especially ‘yong sarili natin.  Wala tayong sariling defense strategy.  Ang malinaw na nakikita ko, strategy natin pag giniyera tayo nandoon tayo sa likod ng mga Amerikano,” Gonzales said.  

‘Yon ang malinaw eh, wala tayong defense strategy kaya hindi tayo masyadong nirerespeto. kaya sa tingin ko, ang kailangan gumawa tayo ng kung hindi man buong strategy contribution sa kung papaano natin idedepensa ang Pilipinas. ‘Yon naman ay kung atakihin lang tayo,” he furthered. 

“Hindi tayo mang-aataki, eh kung atakihin tayo papano? O, nagkamali, iniwan tayo ng mga Amerikano, anong gagawin ng mga Pilipino? Kaya ako medyo naga-apologize sa mga kabataan kasi ang pinakaimportanteng asset o ang kakayahan natin nasa mga kabataan natin ngayon,” he said. “We have more than 20 million young people at the right age para mag-training at makasama sa reserve. Kaya ang aking gustong ipanukala, huwag sana kayo magalit hindi naman ako mahilig sa giyera,  pero ang ipo-propose ko eh gawin mandatory ang military service at least for the next five years kasi ito yung period na pwede tayong atakihin,” Gonzales said. 

“Kailangan lahat ng kabataan natin sanayin natin. Mahirap na bigla tayong giyerahin magna-national mobilization tayo.  Ipapatawag lahat ng kabataan tapos hindi natin sinanay.  Mahirap na isubo mo sa gulo ‘yan ng walang pagsasanay,” Gonzales continued. 

He said that it happened during World War II when members of the ROTC who lacked training fought superior Japanese forces.  “Una kong ipo-propose talaga mandatory military service, hindi ang compulsory ROTC lang.”

“Compulsory military service for all young people of the right age, siguro ang 21 years old o kaya kung mas bata, 18 pag-uusapan na yan sa kongreso pero compulsory military service on all young people over the next five years,” he said.

Gonzales said that he believes on the promise of the Japanese, South Koreans, NATO countries, Americans that they will arm Filipinos in case of war. “Alam ko totoo ang pangako nila na aarmahan tayo pag dumating ang panahon. Ang problema ang mangyayari hindi sa bakbakan. Ano ang mangyayari sa Pilipinas kung ang mga kabataan natin walang namamalayan kung ano ang gagawin.” 

“Alam niyo ang first action sa giyera national mobilization. Sasabihin all 18 years old and                above magsundalo saka mo pa lang sasanayin. Kailangan ngayon pa lang nagsisimula na,” Gonzales said.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here