Home Headlines Sen. Loren Legarda, doble kara?

Sen. Loren Legarda, doble kara?

628
0
SHARE

Sa wakas, siya na rin sa kanyang sarili
itong si Legarda animo’y nabigti
sa ‘privilege speech’ niyang di ikapuri
bilang marangal na kawal ng AFP.

Kung saan sa naging komentaryo niya
mapapagtanto ang di pagiging bida
ang katayuhan ng ating Senadora
kundi ng sa ating gobyerno tinik siya.

At sa kanya na rin mga pangungusap
masusumpungan ang di pagiging likas
na maka-gobyerno kundi ng taliwas
sa kinakailangang ipaglaban dapat.

Higit ang pagiging utak rebelde niya
at pagkiling na rin sa idolohiya
ng maka-kaliwang grupong nakasama
ni L.L. ayon na rin mismo sa kanya.

Ilang dekada na ang usapang ‘peace talk’
na humantong lang sa di ito nasunod
sanhi nang si Joma nanatiling baog
sa kung anong dapat na tanggaping alok.

Kung saan ang naging resulta ay lalong
paglago ng inakda niyang rebelyon
laban sa gobyerno’t uring kamunismong
pamahalaan na kanyang sinusulong.

At nang walang habas nila riyang pagkitil
sa buhay at saka ari-arian din
ng mga sundalo’t kapulisan natin
sa mga engkuwentro nang di akalain.

Gaya halimbawa r’yan ng magse-serve lang
ng ‘warrant of arrest’ ang ating kapulisan
para sa isang ‘wanted’ ay tama ba namang
paputukan basta yan nang walang laban?

Kaya madam Loren, huwag mo nang igiit
ang kung anong bagay na ‘yong ninanais
isulong para sa iyong kasanggang dikit,
ng mga CCP, NPA, NDF;

Pagkat pagkabigo lamang din naman tiyak
ang mapapala ng gobyerno, sapagkat
itong iyong mga kadaupang-palad,
na utak rebelde, di mo na mayakag;

Bumalik marahil sa buhay Malaya
sa lahat ng bagay sa ibabaw ng lupa,
gaya ng dapat ay ating matamasa
ang tayo’y mamuhay r’yan ng mapayapa.

Pagkat madam Loren ikaw na rin itong
imbes sila’y iyong turuhang magsalong
ng armas ay ikaw pa itong patuloy
na yumayakap sa di dapat isulong.

Sapagkat ikaw ay tila nahawa na
sa di nararapat yakapin kumbaga
na uring gobyernong ang pagka-balisa
ng puso’t damdamin ay walang pahinga.

Aywan lang kung bakit naturingan manding
ika’y Solon pero sa di ikagaling
ng iyong propesyon, higit kang magiliw,
kaya nararapat ka na riyang magbitiw!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here