Sen Bong Revilla feel na mahal pa rin siya ng taumbayan

    423
    0
    SHARE

    MULING humarap kahapon si Sen. Bong Revilla sa entertainment media para sa pinakabagong update sa buhay niya.

    Of course, as we all know ay tuluy-tuloy pa rin ang kasong kinakaharap niya kaugnay ng pork barrel scam pero aniya, napakalaki ng pagbabago sa kanya simula nang magbigay siya ng privilege speech sa Senado may dalawang buwan na ang nakararaan.

    “Makikita n’yo (ngayon) na ibang-iba. Ang pinakamasarap na pakiramdam is ’yung parang nabunutan ka ng sibat sa dibdib. At ’yung sibat na ’yun, ’yung sibat ni Lizardo (kilalang kontrabidang karakter sa Panday), eh, kumbaga, natanggal na at ang laking ginhawa para sa akin.

    “Mas masaya at mas maluwag sa dibdib ang bawat galaw ko ngayon at siyempre, sabi ko nga, pinaubaya ko na sa ating Panginoon at kung anuman ang mangyayari sa mga susunod na panahon, basta’t handa tayo.

    Sabi nga, eh, mangingibabaw pa rin ang katotohanan at ako’y walang takot na haharap sa mga pagsubok,” pagsisimulang speech ni Sen. Bong.

    Aware si Sen. Bong sa mga lumulutang na balitang malapit na siyang husgahan at makulong pero sey niya, handang-handa raw siya sa anumang pwedeng gawing aksyon sa kanya.

    “Kahit ano pang pagbabadya o pananakot na ’yan, sabi ko nga, hindi ako natatakot. Nakahanda akong harapin.

    Basta’t sabi ko nga sa aking tagahanga, eh, ’yung pagmamahal na ibinigay nila sa akin ay hindi pwedeng palitan or kumbaga, hindi pwedeng tapatan ng kahit anong bagay,” he said. In fact, dahil nga raw sa problemang kinakaharap niyang ito ay mas lalo pa raw niyang napatunayan at nakita mismo kung gaano karami sa ating mga kababayan ang nagmamahal sa kanya.

    Nitong mga nakaraang buwan ay naging abala sa pag-iikot si Sen. Bong sa iba’t ibang lugar sa ating bansa mula Luzon, Vizayas and Mindanao at nakakataba raw ng puso ang napakalaking suporta at pagmamahal na ipinakita sa kanya ng mga tao.

    “Ang akala ko, hindi na ako mahal. Hindi pala. Sinasabi nila sa akin, ‘Sen.Bong, basta’t nasa likod mo kami, naniniwala pa rin kami sa ’yo. Mahal ka namin. ‘Wag kang susuko!’”

    “Sila ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob, sila ang nagbibigay sa akin ng tibay para tumindig sa lahat ng pagsubok. Kaya sabi ko nga,basta’t kahit ano ang gawin nila, hindi nila matitinag si Bong Revilla dahil alam ko, ’yung mga taong nakakakilala sa akin, kilala nila ako na hindi ko kayang gawin ‘yun (ang ibinibintang sa kanya).

    “At ’yung mga patuloy na naninira sa akin, eh, bahala na ang Diyos sa kanila,” pahayag pa ng aktor/politiko.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here