Home Headlines Sementeryo nagmistulang dagat

Sementeryo nagmistulang dagat

855
0
SHARE
Sa ibabaw na lang ng nitso nag-alay ng bulaklak, kandila at nanatili ang mga dumalaw na ito sa puntod ng kaanak nila na yumao dahil sa baha. Kuha ni Rommel Ramos

CALUMPIT, Bulacan — Nagmistulang dagat ang ilang sementeryo sa bayang ito dahil sa hanggang dibdib na baha bunga ng pag-ulan dulot ng nagdaang Bagyong Paeng at hightide kayat madalang ang mga nakadadalaw sa mga puntod dito.

Ang apektado ng tubig ay ang San Jose Public Cemetery at Meyto Public Cemetery. Pagpasok sa sementeryo ay umaabot na sa hita ang tubig at may mga bahagi pa nga na umaabot hanggang dibdib.

Dahil sa baha, madalang ang nakadadalaw sa mga puntod maliban sa mangilan-ngilan na hindi alintana ang baha para makadalaw sa mga yumaong mahal sa buhay.

Gaya ni Delfin Bufa, Jenny Santos, at Rosalie Castañeda na dumalaw pa rin sa puntod ng kani-kanilang mga kaanak ngayong araw sa kabila ng baha.

Ngunit si Precy Ablaza na nagpunta nga sa sementeryo ngunit hindi na narating ang puntod ng kaanak dahil sa hanggang dibdib na taas ng tubig.

Ang iba namang residente gaya ni Lou San Juan ay nagtulos na lang ng kandila ay nag-alay ng bulaklak sa labas ng kanilang bahay dahil hindi madalaw ang puntod ng kaanak dahil sa hanggang dibdib nga ang baha sa loob ng sementeryo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here