Selyo king na rin ang Komiks King

    443
    0
    SHARE

    Kinuha ng Philpostal  Corporation si Direk Carlo J. Caparas para mailabas ang selyo ng mga obra niyang Gagambino at Totoy Bato sa buwang ito.

    Kaya naman magka-level na sina boxing champ Manny Pacquiao at Direk Carlo. Matatandaang nau-nang kinuha si Manny Pacquiao ng Philpost para maglabas ng selyo nito.

    Sino kaya ang mas mabili ang selyo?

    Malalaman natin ‘yan sa mga susunod na buwan at tatanungin natin ang Philpostal.

    Samantala, masaya naman si Donna Villa para sa asawa niya dahil sa mga obra ng butihing asawa ay nasa GMA 7— ang Gagambino, na  mataas agad ang rating.

    Ang obra rin niyang Pieta ay nasa ABS-CBN na pinagbi-bidahan ni Ryan Agoncillo.

    Hindi ubra ang network war kay Direk Carlo kasi puwede siya sa Dos at sa Siyete.

    Bukod pa sa sobrang mahal sina Direk Carlo at misis na si Donna Villa ng movie press lalo na tuwing may pelikula silang ginagawa.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here