Selina Sevilla’s few days of fame

    416
    0
    SHARE

    Kawawang Selina Sevilla. Nalaos na nga sa pagiging singer, tila lalong hindi na makababangon pa upang muling maibalik ang mabangong pangalan.

    Look, on the verge na sana na makabalik si Selina dahil nga may mga taong sumusubaybay sa kanya. Kahit paano, after having hibernated for quite long naging visible siyang muli. Kahit na barya-barya lang, so to speak ang bayad sa kanya, still, she was on her way to a grand comeback.

    Pero nasirang lahat yan sa ngayon dahil sa muling nalugmok si Selina. Nang dahil sa pagrereklamo niya sa duktor na umopera sa nabulok niyang puwet, bumaho ang kanyang image. Kapag binananggit mo siya ngayon sa mga show promoter upang pakantahin sa mga shows, umiiling ang lahat at nagbibirong, ayaw nila ng singer na bulok ang puwet, sabay halakhak pa ng mga ito.

    True, nakapa-unglamorous ng kanyang nasantungang isyu na kahit na naaawa pa sa kanya, tinatanggihan na siya. Sobrang sexy nga kasi siya noon, pero dahil binulgar niyang parang inaanay ang kanyang puwet sanhi ng nabulok na gel oil na itinurok para umambok tio, si Selina ang napuruhan. Laos na nga, pinadidirihan pa siya. Yes, kaso ito ng masyadong siyang kinaawaan pero walang gustong kumuha sa show sa kanya dahil nga nandidiri sila sa nabulok niyang puwet.

    Sana lang, nanahimik si Selina. Puwede naman siyang humanap ng katarungan nang hindi na nag-ingay pa. Pero dahil tila sabik nga siya sa publicity, lahat ng media entity, tinawgan, tinext niya upang ibalitang hahabulin niya’ng duktor na umopera sa kanya.

    "Update kita, lahat talaga, gagawin ko para habulin siya, "sabi sa amin ni Selina.

    Ayan kasi, for a few days of fame na sobrang in-enjoy ni Selina, pandidiri ang nagging sukli sa kanya nito.

    Kawawa naman si Selina Sevilla!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here