Home Headlines Sektor ng pangisdaan sa Tarlac, tumanggap ng tulong sa BFAR

Sektor ng pangisdaan sa Tarlac, tumanggap ng tulong sa BFAR

540
0
SHARE

Namahagi ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng isang yunit ng smokehouse na may kalakip na isang set ng smokehouse package sa OFW Family Circle Provincial Federation of Tarlac. (BFAR)


 

LUNGSOD NG TARLAC — Kabikabila ang suportang inihatid ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa sektor ng pangisdaan sa lalawigan ng Tarlac.

Namahagi ang ahensya ng isang yunit ng smokehouse na may kalakip na isang set ng smokehouse package sa OFW Family Circle Provincial Federation of Tarlac.

Inilihad ni Provincial Fisheries Officer Lanie Lamyong na binigyang pagsasanay din ng BFAR ang ilang miyembro ng samahan sa larangan ng post-harvest na naglalayong makapagbigay kaalaman sa pagpapa-angat ng kalidad at shelflife ng mga lamang-tubig sa pamamagitan ng fish smoking, deboning at bottling.

Samantala, limang benepisyaryo ang tumanggap ng tig-iisang tri-bike na magagamit na panglako ng mga produktong isda.

Sila ay mula sa mga bayan ng Pura, Ramos, La Paz at Concepcion.

Sa isang pahayag, sinabi ni BFAR Regional Fisheries Training and Fisherfolk Coordination Division Chief Romina Yutuc na hindi hadlang ang pagiging landlocked o probinsyang napapalibutan ng kalupaan sa layunin ng ahensya na mapataas ang antas ng pamumuhay ng mga mangingisda rito. (CLJD-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here