Na nagpakilalang isang matalik na
Kaibigan ng Amo niyang nadisgrasya,
Pero paglabas pa lamang sa ‘gate’ nila
Ay sinalubong na’t kinuha ang pera.
At nagmamadaling tumalilis agad
Dala ang salaping kanyang nakulimbat,
Habang ang biktimang iniwan at sukat
Ay walang nagawa kundi ang umiyak.
Nang mapagtanto niyang isang uri lamang
Ng panlilinlang ang ginawang sangkalan
Ng taong ganap niyang pinaniwalaan
Na ang Amo nga niya ay nasa ospital.
Yan ay matagal ng modus operandi
Ng ilan, na patuloy na nangyayari
Sanhi na rin nitong sa telephone kasi
Maraming bagay ang posibleng mangyari.
Sa puntong yan natin medyo kinokontra
Itong I.D. syetem na planong ipasa
Ng mga Bokales natin sa Pampanga,
Bilang isang epektibong ordinansa
Para ipatupad at/o ipairal
Sa buong probinsya bilang panuntunang
Marapat sundin ng kinauukulan
Sa pagtanggap halimbawa r’yan ng ‘tenants,
Transients’ at/o mga nais mangupahan
Ng bahay, apartments, puestong paupahan
At iba pang bagay na puedeng rentahan
Ay dapat hingan ng mga kaukulang
Dokumento at/o anong kasulatan,
Na magpapatunay kung ya’y taga saan
O anong bayan ang pinanggalingan n’yan
Ay maganda para sa isyung naturan
At sa ganang aming sariling pananaw
Ay walang anumang bagay na iligal
Ang nakapaloob sa ordinansang yan
Para ipatupad bilang kautusan.
Partikular na sa karaniwang tawag
Na anila’y “violation of human rights,”
Pagkat ito’y walang bagay na nilabag
Sa alin mang sitas ng Saligang Batas.
Anong masama sa isang panuntunang
Dapat ipatupad ng kahit sinuman,
Kung para sa buhay niya’t ari-arian
Itong nakataya sa puntong naturan?
Kaya kung kami ang siyang tatanungin
Hinggil sa paksang yan ay taasan naming
Masasabing wala kaming ni katiting
Na pagtutol pagkat okey lang sa amin.
Sapagkat kagaya ng ating nasabi
Sa ating naunang artikulo pati,
Yan ang ‘the best’ upang masuring mabuti
Ang simunan ‘by and through his valid I.D.
Bago tanggapin yan para mangupahan
Sa ating barangay upang maiwasan
Ang posibilidad na yan ay kabilang
Sa isinusuka sa ating lipunan.
Nang di na maulit ang kagaya nitong
May tumira sa isang ‘first class subdivision’
Ng tanyag na siyudad diyan sa Sentral Luzon,
Na lubhang huli na nang sila’y matunton;
Kung saan yan pala’y puro mandarambong,
‘Hijackers’ at pawang mga mangongotong,
At ang illegal nga nilang operasyon
Ay ‘buyer’ ng kotseng ang halaga’y millions.
Kaibigan ng Amo niyang nadisgrasya,
Pero paglabas pa lamang sa ‘gate’ nila
Ay sinalubong na’t kinuha ang pera.
At nagmamadaling tumalilis agad
Dala ang salaping kanyang nakulimbat,
Habang ang biktimang iniwan at sukat
Ay walang nagawa kundi ang umiyak.
Nang mapagtanto niyang isang uri lamang
Ng panlilinlang ang ginawang sangkalan
Ng taong ganap niyang pinaniwalaan
Na ang Amo nga niya ay nasa ospital.
Yan ay matagal ng modus operandi
Ng ilan, na patuloy na nangyayari
Sanhi na rin nitong sa telephone kasi
Maraming bagay ang posibleng mangyari.
Sa puntong yan natin medyo kinokontra
Itong I.D. syetem na planong ipasa
Ng mga Bokales natin sa Pampanga,
Bilang isang epektibong ordinansa
Para ipatupad at/o ipairal
Sa buong probinsya bilang panuntunang
Marapat sundin ng kinauukulan
Sa pagtanggap halimbawa r’yan ng ‘tenants,
Transients’ at/o mga nais mangupahan
Ng bahay, apartments, puestong paupahan
At iba pang bagay na puedeng rentahan
Ay dapat hingan ng mga kaukulang
Dokumento at/o anong kasulatan,
Na magpapatunay kung ya’y taga saan
O anong bayan ang pinanggalingan n’yan
Ay maganda para sa isyung naturan
At sa ganang aming sariling pananaw
Ay walang anumang bagay na iligal
Ang nakapaloob sa ordinansang yan
Para ipatupad bilang kautusan.
Partikular na sa karaniwang tawag
Na anila’y “violation of human rights,”
Pagkat ito’y walang bagay na nilabag
Sa alin mang sitas ng Saligang Batas.
Anong masama sa isang panuntunang
Dapat ipatupad ng kahit sinuman,
Kung para sa buhay niya’t ari-arian
Itong nakataya sa puntong naturan?
Kaya kung kami ang siyang tatanungin
Hinggil sa paksang yan ay taasan naming
Masasabing wala kaming ni katiting
Na pagtutol pagkat okey lang sa amin.
Sapagkat kagaya ng ating nasabi
Sa ating naunang artikulo pati,
Yan ang ‘the best’ upang masuring mabuti
Ang simunan ‘by and through his valid I.D.
Bago tanggapin yan para mangupahan
Sa ating barangay upang maiwasan
Ang posibilidad na yan ay kabilang
Sa isinusuka sa ating lipunan.
Nang di na maulit ang kagaya nitong
May tumira sa isang ‘first class subdivision’
Ng tanyag na siyudad diyan sa Sentral Luzon,
Na lubhang huli na nang sila’y matunton;
Kung saan yan pala’y puro mandarambong,
‘Hijackers’ at pawang mga mangongotong,
At ang illegal nga nilang operasyon
Ay ‘buyer’ ng kotseng ang halaga’y millions.