‘Section 4 of Artilce 7 of the Constitution,’ di nga ba malinaw?

    644
    0
    SHARE
    Ngayong malinaw na ang ipinahayag
    Ni Estrada na siya ay muling sasabak
    Sa pagka-Pangulo, ay babahang tiyak
    Ng mga komento r’yan ng legalidad.

    Ng kanyang pagtakbo, pagkat hindi lingid
    Sa taong bayan ang pagiging ‘ex-convict’
    Ng dating Pangulo (na sobra ang hilig
    Sa alak, sa sugal at magagandang ‘tsiks’)
    .
    Partikular hinggil sa puntong siya ba
    Ay kualipikado pa rin o hindi na,
    Matapos makulong sa naging kaso niya
    Ng pandarambong sa ating Republika?

    At pinalaya nga lang ng Presidente,
    ‘By granting him an executive clemency;’
    Na ayon kay Erap kasama r’yan pati
    Ang ‘civil rights’nito sa tuwirang sabi?

    At tulad aniya ng karaniwang tao
    Na may kalayaang pumili’t bumoto
    Ng ihahalal niya, tinitiyak nito,
    Na siya’y pupuede pang kumandidato?

    Pero kung ayon sa ating Konstitusyon,
    Ay di ‘qualified’ para sa re-eleksyon
    Ang sinumang naging Pangulo’y papanong
    Itong si Estrada’y pupuedeng humabol?

    (Puera sa pagiging ex-convict nga nito,
    Kung saan kahit na ordinaryong tao
    Na nabilanggo na’y diskualipikado
    Nang kumandidato kahit anong puesto?)

    Rason nito’y di raw kumpleto ang ‘term’ niya
    Kaya maituturing na ‘qualified’ siya,
    At nais lang nitong ituloy kumbaga
    Ang ‘presidency’ na inagaw sa kanya.

    Gayong siya itong kusang tumalilis
    At nagkukumahog sa kanyang pag-retreat
    Mula sa Palasyo patungo ng Pasig,
    Nang pamahayan na ng daga sa dibdib.

    At nag-lantsa lamang upang matakasan
    Ang nagpupuyos na damdamin ng bayan
    Sa nagawa nitong mga kasalanan,
    Na di akalaing hahantong sa ganyan!

    At ngayo’y may lakas na siya ng loob
    Upang harapin ang kanya’y nagluklok
    Para iboto at muling mailuklok
    Matapos po nating ganap na masubok?

    Ang kawalan ng respeto sa tungkulin
    At pagiging duwag din nito marahil
    Upang ang anumang problema’y harapin
    Ng may sinseridad sa puso’t damdamin.

    At kung anu-anong pang ibang katwiran
    Ang iginigiit nito sa puntong yan;
    Kung saan matatag na pinanindigan
    Na ang pagtakbo niya umano ay ligal.

    Pero kung malinaw namang nasasaad
    Sa ‘release paper’ ang probisyong marapat
    Sundin sa Pardon at pirmado si Erap
    Sa parteng ‘received & accepted,’ ay tiyak

    Na nga ang di nito pagiging ‘qualified’
    Upang mag-‘reelect’ pagkat ‘waived’ ng lahat
    Ang karapatan niyang muling maka-hawak
    Ng public office d’yan ultimong Kagawad.  

    (May karugtong)

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here