Pero tila bale wala lang kay Erap
Ang mga probisyon sa paglaya agad
Pagkat nang magawa nitong maka-alpas
Di na inintindi ang laman ng ‘contract;’
Kung saan ayon sa nilalaman nito
Ay di na nga siya posibleng tumakbo;
Pero haya’t nagdeklara na nga ito
Na siya’y hahabol sa pagka-Pangulo!
Bunsod ng umano’y “sitting president” lang
Ang tila saklaw ng restriksyong naturan
At di ang alin mang naging Pangulo r’yan
Ayon sa interpretasyon nitong ilan;
Partikular nina Pimentel, Maceda
At nitong iba pang ka-alyado niya,
Gayong ang naturang pinagkunan nila
Ng ‘ruling’ hinggil diyan ay di magkaiba.
Na nasasaad sa ating Konstitusyon,
Sa Article 7, sa parteng Section 4,
“that bars president for any re-election,”
Kaya’t ang di puede ay incumbent lang daw?
At ang iba naman na kagaya nina
Makalintal, (na abogado ni Gloria;)
Ang sinumang naging Pangulo ay di na
Talagang pupuedeng kumandidato pa.
Bunsod nito’y hindi po natin malaman
Kung ano talaga ang batas hinggil d’yan
Dala ng pagiging mabusisi po r’yan
Ng ilang terminu, na nagiging daan,
Ng mga diskusyon at di magkatulad
Na interpretasyon sa pagkabalangkas
Ng mga ‘framers’ ng panuntunang batas,
Sa mga katagang doon nasasaad.
Na aywan kung sadyang pinahirap nila
Upang bigyang daan o butas kumbaga
Ang naturang batas para lang kumita
Itong sa propesyong yan ay nakalinya.
‘For sake of arguments,’ kaya pinahirap
Marahil ng ‘framers’ ang pagkakasulat,
Baka kung masyado nga naman pong payak
Ay walang ‘challenge’ sa ibang mambabatas.
Sa madaling sabi, mambabatas mismo
O ang ‘framers’ po ng Konstitusyong ito
Ang tanging pupuedeng mag-‘interpret’ nito
Liban sa Supreme Court na hantungang piho,
Ng anumang aksyon upang si Estrada
Ay maharang natin sa pagtakbo niya,
Pagkat ang Comelec ay di yata nila
Kayang resolbahin yan ng basta-basta;
Kung saan ayon kay Commissioner Melo
Ay tanging Petisyon lang yata umano
Ng sino mang gustong kwestyunin po nito
Ang ligalidad ng muli niyang pagtakbo,
Ang puedeng gamiting instrumento aniya
Ng Comelec upang aksyonan po nila,
Ayon sa reklamo itong si Estrada
‘In an impartial and fair justice,’ kumbaga.
At ‘ultimately’ ang Kataas-taasang
Hukuman ang tiyak na kahahantungan;
Kung saan huag nawang tapos na’ng halalan
Bago maresolba o madesisyonan!
Ang mga probisyon sa paglaya agad
Pagkat nang magawa nitong maka-alpas
Di na inintindi ang laman ng ‘contract;’
Kung saan ayon sa nilalaman nito
Ay di na nga siya posibleng tumakbo;
Pero haya’t nagdeklara na nga ito
Na siya’y hahabol sa pagka-Pangulo!
Bunsod ng umano’y “sitting president” lang
Ang tila saklaw ng restriksyong naturan
At di ang alin mang naging Pangulo r’yan
Ayon sa interpretasyon nitong ilan;
Partikular nina Pimentel, Maceda
At nitong iba pang ka-alyado niya,
Gayong ang naturang pinagkunan nila
Ng ‘ruling’ hinggil diyan ay di magkaiba.
Na nasasaad sa ating Konstitusyon,
Sa Article 7, sa parteng Section 4,
“that bars president for any re-election,”
Kaya’t ang di puede ay incumbent lang daw?
At ang iba naman na kagaya nina
Makalintal, (na abogado ni Gloria;)
Ang sinumang naging Pangulo ay di na
Talagang pupuedeng kumandidato pa.
Bunsod nito’y hindi po natin malaman
Kung ano talaga ang batas hinggil d’yan
Dala ng pagiging mabusisi po r’yan
Ng ilang terminu, na nagiging daan,
Ng mga diskusyon at di magkatulad
Na interpretasyon sa pagkabalangkas
Ng mga ‘framers’ ng panuntunang batas,
Sa mga katagang doon nasasaad.
Na aywan kung sadyang pinahirap nila
Upang bigyang daan o butas kumbaga
Ang naturang batas para lang kumita
Itong sa propesyong yan ay nakalinya.
‘For sake of arguments,’ kaya pinahirap
Marahil ng ‘framers’ ang pagkakasulat,
Baka kung masyado nga naman pong payak
Ay walang ‘challenge’ sa ibang mambabatas.
Sa madaling sabi, mambabatas mismo
O ang ‘framers’ po ng Konstitusyong ito
Ang tanging pupuedeng mag-‘interpret’ nito
Liban sa Supreme Court na hantungang piho,
Ng anumang aksyon upang si Estrada
Ay maharang natin sa pagtakbo niya,
Pagkat ang Comelec ay di yata nila
Kayang resolbahin yan ng basta-basta;
Kung saan ayon kay Commissioner Melo
Ay tanging Petisyon lang yata umano
Ng sino mang gustong kwestyunin po nito
Ang ligalidad ng muli niyang pagtakbo,
Ang puedeng gamiting instrumento aniya
Ng Comelec upang aksyonan po nila,
Ayon sa reklamo itong si Estrada
‘In an impartial and fair justice,’ kumbaga.
At ‘ultimately’ ang Kataas-taasang
Hukuman ang tiyak na kahahantungan;
Kung saan huag nawang tapos na’ng halalan
Bago maresolba o madesisyonan!