Lubhang mapalad ang bayan ng San Simon
Sa pagkaroon ng masipag na mayor
At tunay naman ding pinaka-aktibong
Local executive in this now booming town
Sa katauhan ni Ginang Leonora Wong
Na nag-akyat dito ng malaking honor;
At iba pang bagay na ikasusulong
Ng dating ‘5th class’ na munisipyo noon.
At kung saan hindi naging ningas kugon
Lamang si Mayor Wong sa kanyang pagtugon
Sa mga problemang ang tanging solusyon
Ay madalian at epektibong aksyon.
Na di nagagawa ng kahit na sino
Kung nakasandal lang sa upuan nito;
Gaya ng iba riyan na mabibilang mo
Sa daliri ang pasok sa munisipyo;
Kaya naman, hayan ng dahil sa sipag
At dedikasyon sa gampaning marapat,
Siya’y kinilala sa kanyang ‘performance’
At nabigyan pati ng ‘national award’;
Na ang katawaga’y “Seal of Good Housekeeping,’
‘As qualified recipients’ nitong nasabing
Parangal na tunay na maihahambing
Sa isang “Ilaw ng Tahanan” po natin;
Na sadyang uliran sa kanyang pag-ganap
Bilang mapagmahal na Ina sa anak;
(Kaya naman siya’y mahal din ng lahat
Ng kababayan sa pagiging malingap;
At pagtupad nito sa kanyang tungkulin
Ng ni walang bahid niya ng pangsariling
Interes man at/o kaya pinipiling
Kasangga sa puesto kung tao’y harapin.
Kaya matuwid lang at karapat-dapat
Si Mayor sa kanyang natanggap na ‘award’
Mula sa DILG, na siyang taga-sukat
At taga-suri sa halos lahat-lahat
Na ng ating mga lokal na opisyal,
Kung sino ang dapat bigyan ng parangal
O marapat makatanggap ng ‘award’ diyan
Base sa kanilang ‘effective performance’.
At isa nga ang Alkalde ng San Simon
Sa nabigyan bilang isang rekognisyon
Sa ‘exemplary performance’ ni mayor Wong,
Na kung saan siya popular na ngayon.
Dala na rin nitong di matatawarang
Pagtupad sa kanyang tungkuling opisyal
Ng walang sino pa mang kinikilingan,
Liban sa matapat na serbisyo lamang.
Bilang responsableng alkalde ng bawat
Simonian, at di ng mga kamag-anak
At katoto lamang – kundi nitong lahat
Ng nasasakupan sa lahat ng oras!
Na kung saan sadyang marapat marahil
Igawad kay mayor Wong itong nasabing
‘Award’ na ika nga’y “Seal of Good Housekeeping”
Bilang pagkilala sa taglay niyang galing;
Na talaga namang lubhang matagumpay
Na nakamit ni Mam sa pamamagitan
Ng dedikasyon at mga karampatang
Gampanin ng tunay na lingkod ng bayan!