Home Headlines SC decision sa deposisyon ni Veloso ikinasiya

SC decision sa deposisyon ni Veloso ikinasiya

737
0
SHARE

CABANATUAN CITY –  Umaasa si Celia Veloso na matutuloy na ang pagkuha ng nakasulat na testimonya sa kanyang anak na si Mary Jane Veloso, ang Pinay na nakalinya sa pagbitay sa Indonesia, matapos magdesisyon ang Supreme Court pabor dito.

“Kung totoo yan ay iyan na ang pinakamagandang balita para sa amin,” ani Veloso matapos marinig ang balita hinggil sa SC ruling.

Ang SC ang naglabas ng desisyon “with finality” na si Mary Jane ay dapat kuhanan ng deposisyon mula sa kanyang pinagkukulungan sa Indonesia kaugnay ng mga kaso na kanyang isinampa laban sa di-umano’y iligal na nagrecruit sa kanya upang magtrabaho sa naturang bansa.

Nitong Jan. 30, ang Regional Trial Court sa Sto. Domingo, Nueva Ecija ay sinintesyahan ng habambuhay na pagkabilanggo sina Ma. Cristina Sergio at Julius Lacanilao, ang mga sinasabing recruiter din ni Mary Jane, dahil sa tatlong kaso na isinampa ng mga kapitbahay nito. .

Naniniwala si Veloso na kapag narinig ng hukuman ang panig ng kanyang anak ay mapapatunayan na biktima ito ng human trafficking, taliwas sa akusasyon na ito ay nagpasok ng heroin sa Yogyakarta airport noong April 2010.

Noong 2015, si Mary Jane ay nasintensyahan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad ngunit pansamantalang iniatras ni President Joko Widodo sa kahilingan ng noon ay Pangulong Benigno Aquino III.

Hinihintay naman ng mga abogado ni Mary Jane mula sa National Union of People’s Lawyers ang notice ng hukuman hinggil sa pinakahuling SC decision.

Ayon kay Atty. Edre Olalia, president ng NUPL, inalis na ng SC ang “final legal stumbling block” sa pagkuha ng deposisyon ni Mary Jane.

 “It is a long journey to freedom but we will get there,”ani Olalia.

Hindi pa naman malinaw kung kailangan tutungo sa Indonesia ang mga concerned party na kinabibilangan ng mga abogado ng prosekusyon at depensa at RTC judge.

Inaasahan din na makakasama sa biyahe ang mga magulang at dalawang anak ni Mary Jane.

“We’re on quarantine nowadays so we have a different situation,” sabi ni Olalia.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here