Sawa nahuli sa binggohan

    361
    0
    SHARE
    BALANGA CITY, Bataan – Isang batang sawa ang nahuli sa nakasaradong binggohan malapit sa mataong Bataan Transport Mall sa tabi ng MacArthur Highway sa Balanga Miyerkules ng umaga.

    Dinala ng mga city marshalls ang sawa na may habang mahigit isa at kalahating metro kay Godofredo De Guzman, hepe ng environment and natural resources office sa Bataan Capitol.

    Sinabi ni De Guzman na matapos patingnan sa provincial veterinarian, ito’y agad nilang pakakawalan sa kakahuyan ng makasaysayang Mt. Samat sa Pilar, Bataan na magsisilbing tahanan nito.

    Nagtatakutan ang mga kawani ng Enro sa sawang payapa namang gumagapang na tila maamo.

    Samantala, patuloy ang mga dayong ibon sa panginginain sa mga tuyong palaisdaan sa tabi ng MacArthur Highway Abucay at sa Puerto Rivas at Sibacan sa lungsod ng Balanga.

    Waring nakikiramdam at biglang lilipad kapag nakakaramdam na may nagmamasid sa mga ito subalit bigla ring babalik, tila naglalaro at muling manginginain ng maliliit na isda.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here